Skusta Larawan mula sa IG/@extraordinaryl

Skusta Clee ekis na sa drama: ‘Wala nang effect sa akin’

December 5, 2023 People's Tonight 241 views

NAIS nang iwasan ng rapper at singer-songwriter na si Skusta Clee ang mga isyung kumakalat sa social media na makapadadawit sa kanyang pangalan.

Sa Instagram story ni Skusta nitong Martes, Disyembre 5, sinabi ng rapper na huwag na siyang i-mention o i-tag sa mga nangyayaring drama dahil matagal na raw niyang tinalikuran ang ganoong mga bagay.

“Wag niyo na ‘kong i-tag [o] i-mention sa mga ganyang drama kasi wala nang effect sakin at sayang lang din effort niyo. Matagal ko nang tinalikuran yung makalat na buhay dito sa social media kasi hindi ko naman talaga linya yan,” sey ng member of the Filipino hip-hop collective Ex Battalion.

Paliwanag pa niya na sa paggawa ng kanta na lamang siya nakapokus ngayon.

“Music at mananatiling music lang ako kasi dun naman talaga ako nakilala. Ngayon, kung makikita mo ako dito sa social media at mga past issues ko ang una mong maiisip, baka ikaw ang hindi nagbago. At wag kang mag-alala, maraming kakarampot ang utak kagaya mo,” wika ni Skusta.

Samantala, sinabi rin niyang may ilalabas siyang bagong album ngayon.

“Good morning mga tunay. Album on the way,” saad ng rapper.

AUTHOR PROFILE