Kathniel

KathNiel, napanaginipan ni Jolens

December 2, 2023 Vinia Vivar 206 views

Bilang isa sa libu-libong fans ng KathNiel, isa rin si Jolina Magdangal sa mga broken-hearted ngayon dahil sa paghihiwalay nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Nag-post si Jolens ng larawan niya with KathNiel at sinabing ang bigat ng kanyang dibdib at napanaginipan pa niya ang dalawa.

“Haaay… akala ko ok lang ako… hanggang sa napanaginipan ko na silang dalawa… paggising ko bigat talaga ng dibdib ko at naiisip ko sila…,” simula ng caption ni Jolens.

“Tapos humarap ako sa salamin.. sabi ko sa sarili ko.. ‘wag mo na pigilan.. nalulungkot ka talaga para sa kanila kasi deep in your heart KathNiel fan ka,’” patuloy niya.

Pero ayon sa aktres/TV host, magiging happy siya kung saan masaya ang KathNiel.

“At dahil nga may KathNiel heart ako, magiging masaya ako kung saan sila maggrow at magiging happy kahit pa sa sarili nilang buhay,” aniya.

“Kung KathNiel fan ka… kamusta ka?” sey pa ni Jolens.

Sumagot naman ang co-host niya sa Magandang Buhay na si Melai Cantiveros na hindi rin siya makagalaw at halos ayaw niyang magtrabaho dahil broken hearted din siya.

“Itu parang di makagalaw, parang ayaw magwork pwede ba irason yun momshiejols wag na muna magwork kasi broken hearted sa kathniel?” ani Melai.

Sey naman ni Carol Banawa, “Sobrang lungkot din.”

AUTHOR PROFILE