Shooli

‘Mr. Shooli,’ pumanaw na

December 2, 2023 Vinia Vivar 196 views

Pumanaw na sa edad na 84 ang veteran actor/comedian na si Jun Urbano o Manuel Conde Jr. sa totoong buhay kahapon (December 2).

Si Jun ay mas kilala bilang ‘Mr. Shooli’ sa political satire show nitong Mongolian Barbecue noong late ’80s.

Ayon sa kanyang pamilya, ruptured abdominal aortic aneurysm ang naging sanhi ng pagkamatay nito.

“I will cherish this moment for the rest of my life.I love you so much dad, until we meet again,” pahayag ng bunsong anak ni Jun na si Banots Urbano sa isang Facebook post.

Si Jun ang panganay na anak ng National Artist na si Manuel Conde.

Bukod sa pagiging aktor at komedyante, nagdirek din siya ng mahigit 2,000 TV commercials sa loob ng 40 years.

Huli siyang napanood sa pelikulang Magikland noong 2020.

Kamakailan lang ay tumanggap si Jun ng prestihiyosong Gawad Plaridel award na ibinibigay sa Filipino media practitioners.

AUTHOR PROFILE