Kapuso Network leads but still wanting

January 5, 2022 Joey Aquino 206 views

KAPUSO is now the number one TV network.

That is in terms of revenue. Wala namang duda ito, lalo’t nawalan ng franchise ang rival nito na ABS-CBN. But despite its supremacy in the mainstream area, GMA network is lagging behind in the digital world.

Iba na ang labanan ngayon. Dahil lahat nasa social media na. Ito marahil ang dapat palakasin ng Kapuso network. At sa puntong ito, naungusan na sila ng Kapamilya network. Sa totoo lang, lahat halos ng mga content na nagti-trending sa social media ay related sa ABS-CBN. Ito na kasi ang naging main platform nito mula nang mawalan ito ng prangkisa.

Nag-iba na rin ang viewing habit ng mga Pinoy mula nang magka-pandemiya. Sa patuloy na pagdami ng mga streaming app, unti-unti na ring humihina ang free TV. Mas malawak kasi ang reach ng online. At ito ang focus ng ABS-CBN. Kaya ito marahil ang dahilan kung bakit naglilipatan ang ilang Kapuso stars para maging Kapamilya. Hindi pera ang pangunahing dahilan ng kanilang paglipat kundi gusto nilang maging global artist. Leading the pack is Lovi Poe. Gayundin ang lumipat na dating Kapuso na si Janine Gutierrez. Na feel na feel ang pagiging Kapamilya dahil mas umangat ang kanyang pagka-class at mas mukha siyang artista ngayon sa “Marry Me, Marry You.”

Number one ang Kapuso network, pero bakit parang kulang sa kislap (except maybe for some like Marian Rivera) ang mga star nito? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo

AUTHOR PROFILE