Default Thumbnail

Kamara produktibo sa pamumuno ni SFMR – Gonzales

June 8, 2023 People's Tonight 299 views

NAGING “pundasyon” ng Kamara de Representantes ang magandang pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez (SFMR) kaya mabilis nitong naipasa ang 33 sa 42 panukala na hiniling na iprayoridad ng Marcos administration.

Ito ang sinabi ni Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. na nagpahayag din ng kumpiyansa na magpapatuloy ang magandang ginagawa ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Romualdez.

“One thing is clear: Speaker Martin has created an atmosphere of certainty and trust. His strong, compassionate leadership brought all of us together to work on a single vision: to pass measures focused on achieving a prosperous, inclusive and resilient Philippines,” ani Gonzales.

“I hope that with his guidance, we continue to uphold the oath we swore to the Filipino people,” sabi pa ni Gonzales, ang kinatawan ng ikatlong distrito ng Pampanga.

“Our record speaks for itself. We are comprehensively addressing the everyday issues our people face: from the high cost of commodities, to unemployment and other economic challenges. We are focused on matters that are important to our people and to the Marcos administration,” dagdag pa ng kongresista.

Sa huling linggo bago ang sine die adjournment, naipasa ng Kamara ang dalawang panukala na hiniling ng Malacañang na bigyang prayoridad na maipasa. Ito ang panukalang Bureau of Immigration Modernization Act at Philippine Salt Industry Development Act.

Ang iba pang priority measures na natapos na ng Kamara ay ang panukalang Maharlika Investment Fund, Magna Carta of Seafarers, E-Governance Act/E-Government Act, Negros Island Region, Virology Institute of the Philippines, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act, National Disease Prevention Management Authority o ang Center for Disease Control and Prevention, Medical Reserve Corps, Philippine Passport Act; Internet Transaction Act/E-Commerce Law, Waste-to-Energy Bill.

Free Legal Assistance for Police and Soldiers, Apprenticeship Act, Build-Operate-Transfer Law, Magna Carta of Barangay Health Workers, Valuation Reform, Eastern Visayas Development Authority, Leyte Ecological Industrial Zone, Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery, National Citizens Service Training Program, at National Government Rightsizing.

Karamihan ng mga natapos na panukala ng Kamara ay nakabinbin sa Senado.

Sa unang regular session ng 19th Congress, 8,426 panukalang batas at 1,098 resolusyon ang inihain sa Kamara. Sa bilang na ito ay 567 ang natapos na.

Nakapagproseso ang Kamara ng average na 30 panukala kada sesyon.

AUTHOR PROFILE