Kabayan Noli gustong bumalik sa Senado

October 8, 2021 Aster Amoyo 570 views

IT was September 30, 2021 nang magpaalam ang resident weather segment host ng “TV Patrol” na si Kim Atienza after being with ABS-CBN for 15 years. Pero hindi ito para maghain ng kandidatura sa darating na halalan kundi para lumipat sa GMA kung saan ito nabigyan ng tatlong magkakaibang programa kasama na ang katapat na programa ng “TV Patrol,” ang “24 Oras”. Seven days later, mas lalong nagulat ang publiko laluna ang loyal followers ng “TV Patrol” ng Kapamilya channel nang mag-resign naman sa programa ang pioneer at poste ng long-running news and public affairs program ng Kapamilya network na si Kabayan Noli de Castro. Pero this time, para muling tumakbo sa pagka-senador sa darating na May 2022 elections.

Kung matatandaan pa, naging senador si Kabayan Noli nung 2001 na tumagal lamang hanggang 2004 at hindi tinapos ang termino dahil tumakbo siya sa pagka-bise presidente at nanalo. Pagkatapos ng kanyang termino bilang Vice-President in 2010 ay muling binalikan ni Kabayan ang pagiging anchor ng “TV Patrol” maging sa DZMM Teleradyo ng kanyang “Kabayan” program at kung saan siya nakilala.

Manuel `Noli’ Leuterio de Castro sa tunay na buhay, si Kabayan Noli (72) ay ipinanganak sa Pola, Oriental, Mindoro at pang-lima sa mga anak nina Manuel de Castro, Sr., at Demetria Leuterio. Siya’y nanilbihang pang-12th Vice-President ng Pilipinas mula 2004 hanggang 2010 bukod sa tatlong taon bilang senador mula 2001 hanggang 2004. Siya’y nagtapos ng Bachelor in Commerce major in Banking and Finance and a doctorate degree, Honoris Causa mula sa Polytechnic University of the Philippines. Bago naging bahagi ng ABS-CBN, si Kabayan Noli ay naging radio anchor ng DWWW ng RPN mula 1982 hanggang 1986.

Nang mabalik ang ABS-CBN sa mga Lopez after Martial Law, nabigyan si Kabayan Noli ng break sa telebisyon bilang segment host ng “At Your Service” ng “Good Morning Philippines” at naging radio anchor siya ng DZMM.

In 1987, naging anchor siya ng “Magandang Gabi, Bayan” na sinundan ng pagiging main anchor niya ng “TV Patrol” news program ng Kapamilya network na nagsimula nung July 1996 hanggang maging head siya ng production.

In his three years in the Senate, si Kabayan Noli ay naging author ng 252 bills and resolution at kasama na rito ang Expanded Senior Citizens Act of 2002.

Dahil sa magandang imahe ni Kabayan Noli sa larangan ng public service, hindi malayong maibalik itong muli sa senado sa darating na halalan.

KimeraldTambalang Jerald at Kim sa horror movie naman

AFTER being together in three successive hit movies na kanilang sinimulan sa pelikulang “Jowable” in 2019 at dalawang pelikula this year, ang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam”a t “Ikaw at Ako at ang Ending,” muling magbabalik ang tandem ng magkasintahang Kim Molina at Jerald Napoles sa upcoming Vivamax horror-comedy movie na “Sa Haba ng Gabi” na tinatampukan din ni Candy Pangilinan mula sa direksiyon ng motion graphics artist na si Miko Livelo who debuted as a movie director nung 2013 sa pamamagitan ng pelikulang “Blue Bustamante” which premiered in Osaka Asian Film Festival nung 2014. Si Direk Miko rin ang nag-direk ng friendship-comedy film na “Tol” at ang fantasy-comedy adventure film na “Unli Life”. Siya ngayon ang producer-director ng “Sa Haba ng Gabi” na isang joint venture ng Viva Films at Reality Entertainment. The movie is streaming online on October 29 sa Vivamax na napapanood hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, Japan, Middle East at Europe and soon in North America including Canada.

Ang Vivamax now with over 1 million subscribers ay No. 1 on Google Play.

AJAJ gustong maging seryosong aktres

ALTHOUGH ang pagpapa-sexy ang kanyang naging ticket to stardom, umaasa ng dalaga ng actor na si Jeric Raval na si AJ Raval na ma-recognize balang araw bilang isang seryosong actress.

Si AJ ay napansin ng netizens nang siya’y ipakilala sa pelikulang “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap at tinampukan ng mga veteran sexy stars ng kani-kanilang henerasyon na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor. Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang mga pelikula ni AJ sa bakuran ng Viva na siyang nangangalaga ng kanyang career.

After”Paglaki Ko…..” ay agad ito nasundan ng “Death of a Girlfriend” na pinagtambalan nila ni Diego Loyzaga. Kasunod na rito ang “Nerisa” at “Taya”. Malapit na ring ipalabas ang sexy-comedy movie na “Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilian” with Andrew E. na dinirek ng actor at comedy director na si Al Tantay.

AljurSamantala, pinag-uusapan ngayon ang bagong namumuong relasyon sa pagitan nina AJ at ex-husband ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica na naging malapit sa isa’t isa sa set ng pelikulang “Nerisa.”

Willie ayaw talaga sa pulitika

MARAMING followers ng game show host-producer na si Willie Revillame ang natuwa nang ito’y mag-desisyon na huwag nang pasukin ang pulitika sa darating na halalan dahil mas epektibo ito sa kanyang kasalukuyang ginagawa na mas marami siyang taong napapasaya at natutulungan sa pamamagitan ng kanyang daily game program na “Wowowin” on GMA.

Sa tuwing election na lamang ay may nanunuyo kay Willie na pasukin na rin ang larangan ng pulitika dahil sa kanyang popularity at appeal sa masa.

VilmaAte Vi pahinga muna sa pulitika

SAMANTALA, pahinga muna sa pulitika ang “Star for All Seasons” at politician na si Vilma Santos after being in politics sa loob ng 27 years.

Si Vi ay nanilbihang mayor ng Lipa City sa loob ng tatlong termino or nine years at siyam na taon bilang gobernadora ng Batangas at magtatapos na rin ang kanyang ikatlong termino bilang kinatawan ng ika-apat na distrito ng Batangas or lone district ng Lipa na siya naman ngayong tatakbuhan ng kanyang mister, ang outgoing senator na si Ralph Recto.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE