Guess

Junior actor mula sa showbiz clan, ’di markado ang papel sa series

September 22, 2023 Jun Nardo 197 views

NAGTATAKA ang manonood kung bakit tinanggap ng isang junior actor na mula sa isang showbiz clan ang role sa isang project na streaming ngayon.

Kasi naman daw, hindi masyadong markado ang role niya lalo na’t leading man naman ang looks niya, huh!

One of those lang siya sa cast dahil kahit sino puwedeng pumapel sa character ng junior actor.

Kaya naman pala raw sa promotions ng series, ‘yung mga lead ang madalas nagsasalita.

Hindi nabibigyan ng spiels si junior actor dahil nga wala siyang masyadong masabing maganda sa kanyang role.

Kaya si junior actor, quiet na lang kapag napag-uusapan ang series dahil konti lang ang kanyang nasasabi sa role niya.

SIMPLE CELEBRATION

SIMPLE celebration lang ang naganap sa nakaraang birthday ng magaling na aktres na si Rita Avila.

That time kasi, nagti-taping siya ng isang bagong episode ng Magpakailanman na mapapanood ngayong Sabado.

“Very nice ang role ko. Nanay na may apat na walanghiyang anak na babae. Si Lito P (Pimentel) ang asawa ko na mabait din,” text sa amin ni Rita nang aming batiin.

Paagdating sa bagong GMA afternoon series niya, Atty. Lilet Matias, sabi ni Rita, wala pa itong definite na telecast date at baka next year ito mapanood.

AUTHOR PROFILE