Erwan Larawan mula sa IG/@erwan

Erwan sanay nang tawaging ‘asawa ni Anne’

September 22, 2023 People's Tonight 167 views

NAGULAT ang Filipino-French content creator na si Erwan Heussaff na may nakakaalam sa kanyang pangalan matapos niyang magtungo sa isang palengke na hindi kinakailangang mabanggit ang pangalan ng kanyang asawa at TV host-actress na si Anne Curtis.

Sa kanyang Instagram page nitong Biyernes, Setyembre 22, ibinahagi ng content creator ang maikling video ng pagpunta niya sa isang palengke upang bumili ng isda.

Sa pagdating ni Erwan, laking gulat niya at may nakakilala sa kanya at binanggit pa nga ang kanyang pangalan.

Samantala, nang malaman naman ng iba na siya ang asawa ni Anne, mas lalong dumami ang nais magpa-picture sa kanya.

Bukod sa video, mas kinagiliwan ng netizens ang naging caption ni Erwan. Aniya, mas kilala raw talaga siya bilang “Asawa ni Anne” sa mga probinsiya.

“In most provinces, I go by Asawa Ni Anne,” sey ng content creator sa caption.

“P.S Most people don’t know my name, so I was pleasantly surprised that someone here did,” wika pa ni Erwan.

Nagbigay reaksyon at komento rin ang ibang netizens sa nasabing post.

“Deserve mo ma-feature ate for knowing him.”

“‘Asawa ni Anne’ na walang kaarte arte sa katawan.”

“Kulang eh – Poging Asawa ni Anne!”

“I’ll go for Tatay ni Dahlia… para maiba naman.”

“Hahaha Bro of Solenn, for those sosyalera.”

AUTHOR PROFILE