Herlene Mga larawan mula sa IG/@herlene_budol

Herlene may payo kung paano humaba buhay, dumating biyaya

September 22, 2023 People's Tonight 116 views

NAGBIGAY ng payo ang beauty queen at actress-comedienne na si Herlene Budol o kilala rin bilang “Hipon Girl” sa kanyang followers kung paano humaba ang buhay ng at dumating ang mga biyaya.

Sa kanyang Instagram page nitong Huwebes, Setyembre 21, ibinahagi ng beauty pageant titleholder ang kanyang ilang larawan kung saan todo awra siya.

Advice pa nga ni Herlene sa kanyang caption na huwag daw magtanim ng sama ng loob sa iyong kapwa bagkus ay magkaroon ng magagandang katangian.

Para sa “Magandang Dilag” star ang kanyang mga nabanggit ay paraan upang humaba ang buhay ng isang tao.

“Huwag kang mag ipon ng sama ng loob. mag ipon ka magandang asal, ngiti, kabutihan at kasiyahan nang sa ganon lalo pang humaba ang iyong buhay at puno puno ng blessings,” sey ni Herlene sa caption ng kanyang post.

Komento naman ng isang netizen sa payo ni Herlene na, “Isa sa pinaka humble na artista na nakilala ko.”

AUTHOR PROFILE