Fowler Mga larawan mula sa IG/@tonifowlerpo

Anak ni Toni Fowler kamukha ni Selena Gomez

September 22, 2023 People's Tonight 272 views

HINDI pa raw handa ang ‘Batang Quiapo’ star at content creator na si Toni Fowler na makitang tumanda ang kanyang 11-anyos na anak na babae na si Tyronia.

Sa Instagram page ng YouTube vlogger nitong Huwebes, Setyembre 21, ibinahagi niya ang isang larawan kung saan makikitang in-edit ang mukha ni Tyronia upang magmukhang matanda ng sampung taon.

“Tyronia 10 years from now,” sey ni Toni sa caption.

Saad pa niya na iba na talaga ang pagka-advance ng technology sa kasalukuyan dahil kaya nang malaman ang magiging posibleng itsura ng isang tao sa hinaharap.

“Edited by someone sa social media. Grabe naman teknolohiya ngayon nakikita ko na agad itsura ng anak ko 10 [years] from now,” wika ng content creator.

“‘Di pa ‘ko handa,” aniya pa sa post.

Nagbigay naman ng reaksyon at komento ang ilang netizens at sinabing maganda raw ang anak ni Toni sa pagtanda nito. Ang ilan pa nga’y komento na kamukha raw ng Hollywood star na si Selena Gomez.

“Parang selena gomez.”

“Little mommy oni, ganda grabe.”

“Beautiful like her mom.”

“She is naturally beautiful, so that’s expected to be the outcome.”

“Kahawig mo na po sya pag dalaga na.”

AUTHOR PROFILE