Julia

Julia handa nang pakasal kay Gerald

July 6, 2022 Aster Amoyo 312 views

KASALUKUYANG nagbabakasyon sa Bangkok, Thailand ang magkasintahang Gerald Anderon (33) at Julia Barretto (25) at kapwa nila ini-enjoy ang pamamasyal sa iba’t ibang lugar at kasama na rito ang kanilang food tripping.

Sina Gerald at Julia ay parehong may kani-kanyang sariling negosyo. The Kapamilya actor owns Hayati Beach Resort in Zambales at isang gym, ang The Th3rd Floor in Quezon City. Si Julia naman ay nag-launch ng sarili niyang fashion accessories brand, ang The Juju Club which recently had a pop-up store sa isang malaking mall in Quezon City.

Three days apart lamang ang kaarawan ng dalawa, March 7 si Gerald habang March 10 naman si Julia.

In one of the interviews with Julia, inamin ng panganay ng estranged couple na sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na nakahanda umano siyang mag-settle at a young age sakaling yakagin siya ng kanyang nobyo.

Samantala, si Gerald ay kasalukuyang napapanood sa Kapamilya primetime TV series na “The Family Affair” habang si Julia ay kamakailan lamang napanood sa Vivamax streaming app sa pamamagitan ng horror-suspense-thriller movie na “Bahay na Pula” na pinagtambalan nila ni Marco Gumabao at pinamahalaan ng premyadong director na si Brillante Mendoza under Viva Films.

Jaclyn

Jaclyn ayaw magtaray sa mga baguhan

AMINADO ang veteran award-winning actress na si Jaclyn Jose na tulad ng mga baguhang sexy stars ngayon sa bakuran ng Viva Films, ganito rin siya nagsimula noong 1984.

Kaya, sa halip na tarayan ang mga bagitong aktres dahil hindi sila makapag-deliver nang tama sa kanilang roles, mas inuunawa niya ang mga ito at inaalalayan.

Karamihan kasi sa mga baguhang artista ay natatakot umano siyang makatrabaho dahil baka tarayan niya ang mga ito. Pero ang impression na ito ng ilan ay kabaliktaran sa ginagawa ni Jaclyn.

“I was once like them na isang baguhan kaya hindi ko gagawin ang tarayan sila just because hindi sila makapag-deliver nang tama,” pahayag ng ina ni Andi Eigenmann sa digital presscon ng “Tahan” na tinatampukan nina Cloe Barretto at JC Santos mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio.

Cloe2

Cloe nagpapasalamat kay Jaclyn

NAGPAPASALAMAT naman si Cloe Barreto sa pagiging supportive ng kanyang co stars sa “Tahan” na sina Jaclyn Jose at JC Santos maging ng kanilang director na si Direk Bobby Bonifacio.

Nung wala pa sa showbiz si Cloe ay dalawang beses itong nanalo sa local beauty pageants sa Roxas, Oriental Mindoro bilang Miss Teen Earth Philippines in 2015 at Miss Roxas, Oriental Mindoro nung 2017.

Cloe was launched by Viva Films sa sexy movie na “Silab” na pinagsamahan nila nina Jason Abalos at Marco Gomez at dinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan.

Cloe Barreto is not related at all sa kilalang Barretto sisters in showbiz dahil bukod sa single ‘t’ lang ang kanyang apelyido, ang kanyang tunay na pangalan ay Chloe Ann Ricafort Sy.

Anak nina Pampi at Iwa nabinyagan na

NABINYAGAN na ang pangalawa at bunsong anak ng longtime partners na sina Pampi Lacson at Iwa Moto, ang one -year-old na si Caleb Jiro. Ang panganay ng couple ay si Mimi (Hiromi Aiko Eve) ay walang taong gulang na habang ang pinakapanganay na anak ni Pampi sa kanyang ex-wife na si Jodi Sta. Maria na si Thirdy ay sixteen years old na.

Kahit matagal nang nagsasama sina Pampi at Iwa ay hindi pa rin kasal ang dalawa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin annulled ang marriage ng dating mag-asawang Pampi at Jodi Sta, Maria.

James

James nilinaw ang tungkol sa kanila ni Nadine at Liza

SINABI ng singer-actor, record producer and talent manager na si James Reid na kahit hindi na sila couple ng kanyang ex-girlfriend na si Nadine Lustre ay nananatili pa rin ang pagiging close nila sa isa’t isa lalupa’t nagkaka-trabaho pa rin sila sa Careless Music kung saan ang Fil-Australian singer-actor, record producer ang may-ari.

Although mahigit dalawang taon nang hiwalay sina James at Nadine na meron nang Fil-French entrepreneur as a new partner, ang pagkakaroon ng bagong girlfriend ay hindi priority sa ngayon ni James.

Nilinaw rin ni James ang tungkol sa kanila ni Liza Soberano na lumipat sa kanyang pangangalaga as talent manager. Ang aim nila ay mapasok ang international martket.

Matapos magkasama ang dalawa sa Los Angeles, California, muling magkasama sina James at Liza sa Seoul, Korea para sa isang business collab.

Klinaro naman ng Fil-Am singer-actress na si Liza na sila pa rin umano ng kanyang boyfriend na si Enrique Gil hanggang ngayon. Lahat umano ng kanyang moves ay may basbas ng kanyang nobyo.

Huwag din daw sanang lagyan ng malisya ang madalas nilang pagsasama ni James.

Liza is soon to record her debut single or album under James’ Careless Music.

Kean

Kean finally goes solo

WHEN Callalily frontman Kean Cipriano went into acting apart from him being a singer-composer, musician and record producer, marami ang nagsabi na isa na umano itong indikasyon ng pagkalas niya sa kanyang banda since 2005.

Pero hindi ito agad-agad na nangyari until most recently when he finally decided to leave his band to focus on being a solo artist. Ito rin ang nangyayari sa iba’t ibang banda hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bansa including Amerika.

The late pop superstar Michael Jackson was part of the Jackson 5 and The Jacksons before going solo. Lionel Richie was part of The Commodores, Steve Perry was the former frontman of Journey and many more. Maging si Kuh Ledesma ay nagmula rin sa isang banda, ang Circus Band, Zsa Zsa Padilla sa Hotdog, si Joey Generoso sa Side A Band, at si Jett Pangan sa The Dawn, just to name a few.

Kaya hindi kataka-taka ang naging move ng mister ng singer-actress na si Chynna Ortaleza.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE