Joey de Leon

Joey sa TVJ haters: ’Wag kayong pakialamero at ’wag kayong inggitero!

June 24, 2023 Ian F. Fariñas 272 views

NAKATIKIM ng lecture mula kay Henyo Master Joey de Leon ang mga basher ng TVJ na nagsasabing dapat na silang magpahinga sa noontime show para bigyan ng pagkakataon ang mga mas batang host o artista.

Sa ginawa niyang Facebook Live sa official TVJ page kahapon, inamin niya na although na-solve ang problema nila sa paglipat sa TV5, meron din silang mga kasamahan sa industriya na nagulo dahil sa mga nangyari.

Payo niya sa mga ito, ‘wag mag-alala dahil kasama ‘yon sa trabaho nila.

Ang grupo naman nila, parang nagkaroon ng bagong buhay, bagong gana sa nalalapit na pagbabalik ng TVJ at legit Dabarkads sa noontime slot sa July 1.

Paliwanag ni Joey, “Alam n’yo ba na ‘yung gana, ‘yung ngiti ng Dabarkads ngayon, ‘pag nagkikita kami, kulang na lang maghalo ‘yung luha at tuwa. Naiiyak kami na masaya, eh. Well, bukod sa maganda ‘yung nilipatan namin,

TV5, medyo na-resolve o na-solve ‘yung problema namin, ‘yung iba nagkaproblema siguro pero madadaanan n’yo ‘yan.

“Siyempre, ‘yung nasabihan ng kung ano, eh, ‘wag kayong mag-alala, ‘yung mga kasamahan namin sa industriya, eh, ganu’n talaga sa trabaho natin. Sabi nga nila, eh, kagustuhan nating magpasaya ng mga tao at magtrabaho para sa ating mag-anak, para sa ating pamilya. Walang masama du’n.

“Kaya ‘yung mga nagssalita ng buwisit, may ilan lang ‘yan, eh, ‘uy ang tatanda n’yo na, pagbigyan n’yo na ‘yung mga bata. ’Eto para sa ‘yo ‘to, ‘ikaw, pwede ka na palang ilibing. Tumahimik ka na. Kasi ibig sabihin, ‘eto may galit na ‘ko, eh, kasi pakialamera o inggitera kayo. Pakialamero o inggitero kayo. Ang tao hangga’t gustong gumalaw, hayaan mong gumalaw. Kung gustong magtrabaho, pabayaan mong magtrabaho. ‘Pag nagkakaedad kayo, malalaman n’yo ‘yan pagtanda n’yo. Kung umabot pa kayo ru’n.

“Kaya ka nagtatrabaho pagtanda mo, hindi na para sa sarili mo ‘yon. ‘Eto, lecture na ‘to. Para na ‘yan sa ibang tao. Para na ‘yan sa pamilya mo, sa mag-anak mo. Kaya kayong mga basher na ‘uy, pagbigyan n’yo naman ‘yung iba,’ u*ol! ‘Yun ang pwede kong sabihin sa ‘yo. Hindi, alam mo, ‘pag naranasan mo ‘yung naranasan namin, 44 years, ha, nag-e-enjoy kami. talagang ano, kung pwedeng mag-request ka ng another life para maranasan mo pa, ma-extend pa ‘yung enjoyment mo du’n sa trabaho na ‘yon… iba ‘yung trabaho namin, eh. Du’n pa lang, hindi pa ‘yan ‘yung in general na trabaho. Huwag mong pakialaman ang tao ‘pag gustong magtrabaho. Kaya ‘di ko masisi ‘yung mga pumalit sa amin nu’ng umalis kami, trabaho ‘yan, eh. Pabayaan n’yo sila. Pabayaan mo rin ‘yung mga gustong mangialam. ‘Yan ang hirap ng social media, lahat artista, lahat may plataporma, lahat may komento, lahat may pakialam na hindi na rin maganda minsan. Katulad ng mga nagsasabing ‘yon, manahimik ka na, kung sino ka man. Isa lang ‘to o dalawa, eh.”

Ibinalita rin niya na marami silang inihanda sa pilot episode ng TVJ show kasama ang legit Dabarkads sa TV5.

Pero for now, pamilya muna ang pwedeng manood nang live sa studio ng Kapatid channel.

Darating din daw ang panahon na maaayos nila ang lahat para muli silang makasama ng live dabarkads audience.

AUTHOR PROFILE