TVJ1

Joey sa pag-atungal ng batang TVJ fan’… ‘’Wag ka nang umiyak, just pray and we’re working on it’

June 1, 2023 Ian F. Fariñas 520 views

MATAAS pa rin ang emosyon ng fans, supporters at malalapit sa Eat Bulaga hosts na sina Tito, Vic at Joey matapos kumalas ng grupo sa TAPE, Inc., ang production company na pag-aari ng
pamilya Jalosjos, producer ng longest-running noontime show sa bansa.

Kanya-kanya silang pagpupugay sa programang naging malaking bahagi ng buhay nila. Nariyan sina Ice Seguerra, Ruby Rodriguez, Pauleen Luna at marami pang iba.

Maging ang anak ni Joey na si Jako de Leon, naglabas ng kanyang saloobin sa social media.

Ani Jako, “The fact that TVJ was barred from speaking on air to give a proper farewell speaks VOLUMES of the ‘respect’ ‘new management’ has for TVJ, the show, the other hosts and crew who’ve poured blood, sweat and tears the past 4 decades, and to the fans who love and watch the program.”

Si Boy Abunda, na nag-interview sa TAPE, Inc. exec na si Mayor Bullet Jalosjos, nagsabi naman na ikinalulungkot niya ang pagkalas ng TVJ sa TAPE, Inc.

Naging bahagi rin daw ng personal na buhay niya ang Eat Bulaga, dagdag pa ni Boy.

Maging ang AlDub tandem nina Maine Mendoza at Alden Richards, na sumikat sa Kalye Serye ng Eat Bulaga, may kanya-kanya ring pagpupugay sa programa.

“Always and forever,” ang caption na nilagay si Alden sa litrato niya na may kasamang EB logo sa Instagram.

Sinundan pa niya ito ng picture nila ni Vic na nilagyan niya ng tatlong praying hands emojis.

Si Maine naman, nag-upload ng ilang BTS pics mula sa APT Studios at nagsabing, “Hanggang sa muli, dabarkads. Maraming salamat, @eatbulaga1979.”

Kahapon, makabagbag-damdamin din ang ipinost na video ni Joey sa socmed na nagpapakita sa isang batang netizen na umiiyak sa pagkawala ng paborito niyang programa sa pananghalian.

Makikita sa video na inaalo ang bata ng isang lalaki habang ito’y umaatungal.

Sabi ng bagets, mami-miss niya sina Joey at Vic kaya naman sey ni Joey sa caption, “’Wag ka nang umiyak, just pray and we’re working on it.”

Gaya ng assurance na ibinigay niya right after the announcement, giit ni Joey, “We’re not signing off… we are just taking a day off!”

Isa si Aga Muhlach sa mga nag-comment sa IG post na ito ni Joey at nagsabing, “EB all the way!” sabay lagay ng heart emoji.

AUTHOR PROFILE