Kim

Kim, suportado ang desisyon ng TVJ… ‘hindi tayo maghihilahan pababa’

June 1, 2023 Vinia Vivar 283 views

Historical day ngang maituturing ang May 31, 2023 sa industriya ng telebisyon dahil ito ang araw kung saan ay namaalam sina Tito, Vic & Joey sa TAPE, Inc., producer ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Timing naman na on that same day ay nagkaroon ng grand launch si Kim Chiu bilang bagong ambassador ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners.

Sa event ay hindi naiwasang hingan ng reaksyon si Kim sa malaking pagbabago na ito lalo pa nga’t parte siya ng It’s Showtime, mahigpit na kalaban sa timeslot ng EB.

“Change is nandiyan talaga ‘yan, eh. Parang hindi naman natin mababago ‘yan. And then, ‘yung high respect ng bawat isa sa TVJ is really there, kahit saan man sila mapunta or kung anuman, susuportahan at susuportahan (sila),” pahayag ni Kim.

Aniya pa, mataas ang respeto niya sa TVJ at bilang kapwa-artista ay sinusuporthan niya ang mga ito.

“Walang taong hindi nakakakilala sa kanila, sobrang taas ng respeto natin sa kanila. So, kung ano ‘yung desisyon nila and whatever is happening sa base nila, it’s for them.

“But for us, we just have to keep on supporting kung saan man sila mapunta. And that’s what they need also,” aniya.

She added, “Lahat naman tayong mga artista, kailangan natin ng suportahan talaga. Hindi tayo maghihilahan pababa. We have to push each other forward. Lalo na sa mundo ng change.”

Samantala, medyo naging emosyonal si Kim na sa dami ng kanyang pinagdaanan ay naririto pa rin siya at marami pa ring nagtitiwala sa kanya’t kinukuha pa rin siyang endorser tulad nga nitong Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na ang haba na ng tinakbo ko sa showbiz pero meron pa rin palang bagong taong magtitiwala sa akin,” sey ni Kim na nagsisimula nang mapaiyak.

Samantala, ang vice president naman ng Megasoft Hygienic Products, Inc. (makers of Sisters Sanitary Napkins and Pantyliner) na si Aileen Choi Go ay hangang-hanga kay Kim na sa kabila ng tagumpay ng aktres ay nananatili pa rin itong bubbly, inspiring and down to earth.

RECORD ONLINE VIEWERSHIP 

Nagtala ng panibagong all-time high online viewership record ang tatlong primetime shows ng ABS-CBN sa loob lamang ng isang gabi noong Martes (Mayo 30) para sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Back-to-back ang record-breaking nights ng FPJ’s Batang Quiapo na nakakuha ng 408,614 live concurrent views.

Isang makapigil-hiningang episode ang nasaksihan ng mga manonood matapos mamatay ni Greg (RK Bagatsing) sa salpukan laban sa grupo ni Tanggol (Coco Martin).

Tinutukan din ng viewers ang patuloy na misyon ni Apollo (Richard Gutierrez) sa The Iron Heart sa pagpapabagsak niya sa Tatsulok kaya naman nakamit nito ang panibagong all-time high live concurrent views na 304,208.

Panibagong online record din ang nakamit ng Dirty Linen na may 149,410 live concurrent views. Lalong umiigting ang mga rebelasyon sa serye dahil nanganganib na mabisto ang paghihiganti ni Mila (Janine Gutierrez) ngayon na bantay-sarado ang pamilya Fiero sa mga pulis matapos ang pagkamatay ni Carlos (John Arcilla).

Mula Pebrero hanggang Abril 2023, nagtala ng higit 642 milyong total views ang tatlong Kapamilya primetime shows sa Kapamilya Online Live.

AUTHOR PROFILE