Jhong

Jhong, magna cum laude sa edad na 46

June 15, 2023 Ian F. Fariñas 355 views

SINURPRESA ng It’s Showtime host na si Jhong Hilario ang Madlang Pipol nang magtapos siyang magna cum laude sa kursong Political Science sa edad na 46.

Sa interbyu sa kanya ng TV Patrol, ani Jhong, katuparan ito ng pangarap ng kanyang mga magulang.

Nag-iwan din siya ng payo sa mga tulad niyang nais makapagtapos ng kolehiyo.

Sey ni Jhong, “Sa lahat ng gustong magtapos ng pag-aaral, kahit late na, ‘no, na katulad ko, meron talagang pagkakataon, meron talagang paraan, ‘no, para gawin ito kahit sobrang busy tayo. Time management lang. For me napakaiksi ng buhay para walang gawin, eh.”

AUTHOR PROFILE