Jessy

Jessy: ’Di na tayo nape-pressure to please everyone

August 1, 2021 Vinia Vivar 303 views

Nilinaw ni Jessy Mendiola ang mga ibinabato sa kanyang issue tulad ng laos na siya at wala nang offers.

“Ang totoo n’yan, ever since before the pandemic started, maraming offers talaga but I think it’s more of I value my health more than anything,” ani Jessy sa tsikahan nila ni Enchong Dee para sa YouTube vlog.

“And ever since nag-start ‘yung pandemic, siyempre, nandyan ‘yung fear, nandyan ‘yung kailangan mong mag-lock in, nandyan ‘yung marami kang taong makakasama,” dagdag pa ni Jessy.

Sa ngayon daw ay mas gusto niyang mag-explore ng iba pang bagay.

“I feel that nasa point na ako ng life ko na I’m enjoying what I’m doing which is vlogging, diving na nagka-vertigo ako, but I’m trying to explore other things in my life. I’m also entering the world of business.

“And I think nandu’n na tayo sa point ng buhay natin na hindi na tayo nape-pressure to please everyone, kasi ganu’n naman talaga ’pag nagsisimula, ’di ba?

“I don’t think I’m ready for, you know, ‘yung taping talaga na sagaran o kaya lock-in,” aniya.

Bilang bagong kasal at maybahay ni Luis Manzano, okay na okay daw ang lahat, chill lahat. Suportado raw ng mister niya ang lahat ng gusto niyang gawin ever since.

Sinabi rin daw niya kay Luis na parang hindi na niya kayang bumalik sa dati na sagad-sagaran ang pagtatrabaho na hindi siya nakakatulog, lagi siyang nagkakasakit at hindi siya happy.

“Siya rin mismo nagsabi sa akin na ‘go, if you want to rest, find other things to do’ and ‘yun na nga ang nagawa ko, vlogging, and sa awa naman ng Diyos, brands are still getting me,” she said.

AUTHOR PROFILE