Jeric proud na kay AJ kahit di suportado noong una

July 10, 2021 Aster Amoyo 306 views

MATAPOS ipakilala sa pelikulang “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap na unang ipinalabas nung January 29, 2021 sa Vivamax, wala nang tigil ang bagong sexy star ng Viva at celebrity vlogger na si AJ Raval sa paggawa ng sunud-sunod na proyekto. Kamakailan lamang ay ipinalabas sa Vivamax ang launching launching movie na “Death of a Girlfriend” na pinagtambalan nila ni Diego Loyzaga mula sa panulat at direksiyon ni Yam Laranas. May iba pa siyang mga proyektong ginawa sa bakuran ng Viva na naghihintay na lamang ng streaming sched sa Vivamax at iba pang platform kasama na rito ang “Nerisa” na matutunghayan simula ngayong July 30.

Bukod sa kanyang Viva family, nagpapasalamat din si AJ sa malaking break na ibinigay sa kanya ni Coco Martin sa action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil nakatulong ito nang malaki sa kanya para lalong makilala ng publiko.

Kahit hindi umano supportive nung umpisa ang kanyang amang actor at dating action star na si Jeric Raval sa kanyang pagpapa-seksi, ngayon ay proud umano ito sa kanya dahil kahit papa’no ay meron na umano siyang napatunayan.

Si AJ ay isa sa mga anak ni Jeric sa dating sexy actress na si Alyssa Alvarez na naipasa sa kanyang anak ang pagpapaseksi.

Tulad nina Rhen Escano at Cindy Miranda, gusto rin ni AJ na makilala siya hindi lamang lamang bilang isang sexy star kundi bilang isang mahusay na aktres balang araw.

Chef Jose may kakaibang paandar sa ‘Stories of Hope’

SIMULA ngayong Hulyo ay mapapanood na ang “Stories of Hope” tuwing Linggo pagkatapos ng Dear Uge.

Jose Sarasola
Chef Jose Sarasola

Last week, ang Unang Hirit host at Kapuso reporter na si Mariz Umali ang isa sa mga nagbahagi ng kanyang kuwento kung saan naka-relate ang kapwa niya ARMY–ang tawag sa fans ng Kpop idol group na BTS. Nakaka-touch din na after ng pag-ere ng kuwento ni Jam, na isa ring ARMY, bumuhos ang tulong para sa kanya. Ang 10-taong-gulang kasi ay may kakaibang sakit sa buto pero hindi pa rin ito nawawalan ng pag-asa at bagkus ay humuhugot ng lakas sa kanyang favorite Kpop group.

Ngayong Linggo, ang Kapuso celebrity chef na si Jose Sarasola naman ang mapapanood sa Stories of Hope. Para sa kanya, hindi lang simpleng pagkain ang lechon sa mga handaan. Ito ay sumisimbolo ng mayamang kultura ng mga Pilipino. Pero, maging ang lechon, naapektuhan din ng pandemya. Kaya naman sa muling pagbubukas ng ating ekonomiya, iba’t ibang diskarte ang kanilang ginawa upang mapanatiling buhay ang industriyang ito. Aalamin ni Chef Jose ang kakaibang paandar ng mga “lechoneros”.

Abangan ito sa “Stories of Hope” ngayong Linggo ng hapon, 4:35 p.m. sa GMA Network.

Cindy gustong makilala bilang serious actress

NAKAGAWA na ng ilang pelikula ang 2013 Bb. Pilipinas Tourism International-turned actress na si Cindy Miranda sa bakuran Viva bago siya nabigyan ng launching movie sa pamamagitan ng sexy-suspense-thriller movie na “Adan” along with Rhen Escano in 2019.

Cindy Miranda

Muling nagbabalik si Cindy sa isang panibagong sexy-drama-thriller movie na “Nerisa” mula sa panulat ng premyadong writer na si Ricky Lee at direksiyon ni Lawrence Fajardo. Ang nasabing pelikula ay magkakaroon ng global premiere sa ktx.ph, iWant TFC, TFC IPTV at sa Vivamax simula sa July 30, 2021.

Kinunan ang “Nerisa” sa magandang isla ng Alabat sa Quezon province.

Although nagpapa-seksi si Cindy sa kanyang mga ginagawang pelikula, gusto niyang makilala ng publiko bilang isang seryosong aktres who loves her craft.

Ang iba pang movies na ginawa ni Cindy in the past include “Maria” in 2019, “Ang Pambansang Third Wheel” in 2018 at ang “No Boyfriend Since Birth” in 2013.

Since pinasok niya ang mundo ng showbiz after her reign sa Bb. Pilipinas, gusto ni Cindy na pagbutihin ang kanyang craft bilang actress.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instragram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE