1

Janine creates beautiful music with Arthur

August 28, 2021 Aster Amoyo 852 views

2FIRST collaboration ng Viva Records artist na si Janine Tenoso at OC label ni Kean Cipriano na si Arthur Nery ang hit song na “Pelikula” na magkatulong na kinompos ng dalawa. Nabuo ang collaboration ng dalawa sa pamamagitan ng kanilang pagtsa-chat sa Instagram kung saan unang nagpahiwatig si Arthur na gusto niyang makipag-collab kay Janine. Actually, unang nagkakilala sina Janine at Arthur sa Bangus Festival in Dagupan City in 2019. Dahil sa pandemic, idinaan ng dalawa ang kanilang collaboration sa palitan ng chat messages sa kanilang respective Instagram account hanggang sa mabuo nila ang awiting “Pelikula”.

Parehong singer-songwriter sina Janine at Arthur at iisa ang kanilang passion – musika.

Ang awiting “Pelikula” ay kuwento ng isang couple at ang kanilang distant feelings para sa isa’t isa na parang kuwento nilang dalawa dahil naka-base si Arthur sa Cagayan de Oro habang nasa Maynila naman si Janine.

A Psychology graduate at the Ateneo de Cagayan, Arthur was inspired by his father who loves listening to Frank Sinatra and Michael Buble songs. As early as high school ay nagku-compose na si Arthur ng songs. When he met singer-comedian Wacky Kiray in CDO, ito ang nag-introduce sa kanya sa singer-actor at frontman ng Callalily and record producer na si Kean Cipriano who immediately asked him to fly to Manila to record his songs at naging instant hit ang “Higa”.

Si Janine naman ay nagsimula ng kanyang singing career in 2016 nang siya’y sumali sa “Born To Be A Star” singing competition produced by Viva and aired on TV5. Then she recorded Itchyworms’ PhilPOP grand winning song “Di Na Muli” na siyang ginamit na theme song ng hit movie na “Sid & Aya (Not A Love Story)” na pinagbidahan nina Anne Curtis at Dingdong Dantes mula sa direksiyon ni Irene Villamor under Viva Films. Just like the movie, naging instant hit ang sariling version ni Janine ng “Di Na Muli” at dito siya nagsimulang nakilala bilang isang mahusay na mang-aawit and later dubbed as OST Princess. OST stand for Original Soundtrack .

Inamin ni Arthur na iisa umano ang kanilang goal ni Janine – to create music. Pero habang tumatagal ay may discoveries ang dalawa sa isa’t isa.

“Ang ganda pala niya sa personal,” nahihiyang inamin ni Arthur during the digital presscon ng kanilang collaboration ni Janine.

“She’s a very happy person. Masaya siyang kausap at masayang katrabaho. She listens and she knows when to exert efforts more,” patuloy ni Arthur.

“I’m very comfortable working with Arthur. Chill lang siya,” baling naman ni Janine.

Nang tanungin ang dalawa kung nasa estado na ba sila ng pagkakaroon ng special attraction sa isa’t isa, sinabi ng dalawa na sila’y magkaibigan lamang.

Janine and Arthur are both single kaya hindi malayong ma-develop into something special ang kanilang unang collaboration na masusundan pa ng isang EP album.

“We’re friends and we just wanted to explore individually,” tugon naman ni Arthur.

“We’re both collaborative and we wanted to help each other out sa paggawa ng musika,” dugtong pa ni Arthur.

“I always consult him pagdating sa musika,” ani Janine.

Kung saan man aabot ang collaboration work nina Janine at Arthur, inamin naman ng dalawa na pareho silang boyfriend and girlfriend material kaya hindi malayong ma-develop ang dalawa at ngayon pa lamang ay may tag na sa kanilang music team-up, JaniThur.

Bukas din pareho sina Janine at Arthur na gumawa ng pelikula although reluctant pa ang huli.
Samantala, ang ganda ng music video ng “Pelikula” directed by concert director Paul Basinilio.

jULIANAjULIANA1Juliana unti-unti nang nakakabawi

TYRON James Ortega ang tunay na pangalan ng kauna-unahang grand winner ng Miss Q&A segment ng noontime program na “It’s Showtime” na si Juliana Parizcova Segovia. Ang kanyang screenname ay pinagsama-sama mula sa tatlong tao – ang aktres na si Juliana Palermo, ang dating supermodel na si Paulina Poriskova at ang apelyido ng nanay-nayan ng mga bakla.

Twelve years old pa lamang noon si Juliana nang sumakabilang-buhay ang kanyang ama kaya napilitan ang kanyang ina mamasukang domestic helper sa Hong Kong. Since wala silang bahay, nakikitira umano ang kanyang ina sa kanyang kapatid habang sa kanyang mga pinsan naman si Juliana.

“Isa lang po akong ordinaryong bakla na may pangarap,” simula niya.

Si Juliana ay namasukan dati bilang isang call center agent pero kapag week-end ay sumasali umano siya sa iba’t ibang Miss Gay competitions. There was even a time na gusto umano niyang magpa-retoke at sumali sa “Super Sireyna” ng “Eat Bulaga” pero hindi umano ito nangyari. Nang magkaroon ng audition ng “Miss Q&A” ang “It’s Showtime” ay nag-audition umano siya at pinalad na makapasok. Mula sa pagiging daily winner ay umabot siya sa pagiging weekly and monthly winner at nakaipon umano siya ng P200,000 cash prize. Siya rin ang pinalad na manalo sa grand finals at siya’y nakapag-uwi ng P1-M tax free cash prize plus P500,000 worth ng beauty package. Kasunod na rito ang pagiging bahagi ni Juliana ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Nang magkaroon ng slipped disc ang ina ni Juliana ay umuwi na ito ng Pilipinas. Lumipat sina Juliana and her mother sa isang rented two-bedroom apartment at kinumpleto umano niya ito ng mga kagamitan na first time umano nila naranasan.

Pero nang dumating ang pandemya ay dumating na naman ang tagtuyo’t sa buhay ni Juliana at ng kanyang ina dahil naubos na umano ang premyong kanyang napanalunan at perang kinita.

“Nag-expire ang kontrata ko sa ABS-CBN. Nawalan ng franchise ang ABS-CBN at walang trabahong makuha,” lahat ni Juliana.

Sa tulong ng dalawang kaibigan niya from Viva, Juliana was brought and introduced to Viva’s big boss na si Boss Boss Vic del Rosario who signed her up immediately into a five-year management contact. At kasunod na rito ang sunud-sunod niyang movie project sa bakuran ng Viva.

“Ready na po ako na muling bumalik sa dati naming buhay ng mama ko kung hindi lamang dahil sa Viva,” pag-amin ni Juliana.

“Talagang walang-wala ako. Sinubukan kong bumalik sa pagta-trabaho sa call center pero hindi raw puwede ang part time job dahil kailangan nila ng full time kaya blessing in disguise ang pagdating ng Viva sa buhay ko,” dugtong pa niya.

“Sa awa ng Diyos, sunud-sunod naman ang mga movie projects ko sa Viva at hindi ako nawawalan ng project sa kanila,” aniya.

Kahit paunti-unti ay nag-iipon na si Juliana dahil gusto niyang magkaroon sila ng kanyang ina ng sariling bahay.

“Gusto kong tuparin ang matagal nang pangarap ng Mama ko, ang magkaroon kami ng sariling bahay.”

Watch my exclusive interview with Juliana on #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Don’t forget to subscribe, like and share and hit the bell icon.

AUTHOR PROFILE