Jasmine, nominado sa Urian
WINNER ang season ender ng seryeng The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez sa Kapuso network dahil bukod sa pinag-usapan ay may kaakibat pang magandang balita para sa lead actress nito.
Isa si Jasmine sa mga nominado sa best actress category ng 44th Gawad Urian para sa pelikulang Alter Me.
Bukod kay Jasmine, nominado rin sa nasabing kategorya ang kapwa-Kapuso stars niyang sina Glaiza de Castro at Lovi Poe.
Siyempre, proud kay Jasmine ang kanyang TWBU family, na nagkaroon pa ng exclusive chat sa GMA Viber Community pagkatapos ng intense proposal episode ni Louie (Alden) kay Lia (Jasmine) nu’ng Biyernes ng gabi.
Anyway, two months magpapa-miss ang team TWBU sa “Betweeners.” Babalik ito sa ere sa November 15.