James

James, na-amuse sa bading issue at beso video

May 14, 2022 Ian F. Fariñas 4499 views

NAGKAGULO ang Twitter world at nag-trending ang birthday boy (nu’ng May 11) na si James Reid nang kumalat sa social media ang isang video kung saan may ka-beso siyang lalaki.

Ang sabi, sa TikTok unang in-upload ang video na diumano’y kinomentan pa ni James ng “is true?”

Siyempre, violent ang reaction dito ng fans na nagsabing hindi naman dapat gawing issue ang kasarian ng isang tao.

Sa sobrang putok ng “kissing video” ng 29-year-old na si James, umabot na raw sa 1M ang views nito at may 3-M reach, ayon sa netizen na may handle na James Reid — Reiders.

Dahil dito, muling nabuhay ang dati nang tsismis na gay umano ang dating boyfriend ni Nadine Lustre.

Matatandaan na minsan nang na-link si James sa kapwa lalaki na ang sabi pa ay business partner niya.

Kung paniniwalaan ang tweets, James din ang pangalan umano ng business partner ng aktor, James Thomas.

Paliwanag ng isang netizen, “James is very much amused by the reactions, we’re happy that you’re happy for his ‘new relationship’ but sadly, no, #JaJa is not true.

“James Reid and James Thomas have been very good friends for a while now, he is also his business partner at Brooklyn Industries Group, Pop Up Katipunan and Notorious Concepts.

“If you took time to watch the video, take time to check their resto bars in Poblacion,” sey pa ng nagtanggol kay James.

Apparently, selebrasyon daw iyon ng birthday ng dalawa kung saan nagkaroon ng game na truth or dare.

Ang “beso” scene raw na nang-shock sa lahat ay ang consequence na pinili ng celebrators.

Anyway, dagdag pahayag pa ng isang netizen, “James’ reaction at TikTok was priceless, I hope you had a good laugh like we did.”

AUTHOR PROFILE