Andi1

Jake todo suporta sa pamilya ni Andi

March 10, 2024 Aster Amoyo 118 views

MARAMI ang pinahanga ng Kapamilya actor na si Jake Ejercito sa ipinakita nitong suporta sa pamilya ng kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann sa pagpanaw ng ina ng huli, ang well-loved award-winning actress na si Jaclyn Jose last March 2, 2024 sa edad na 60.

Sa unang araw pa lamang ng burol na ginanap sa Arlington Memorial Chapels in Quezon City ay naging visible na ang ama ng 12-year-old eldest daughter ni Andi na si Ellie.

Kahit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nina Andi at Jake, hindi naputol ang kanilang relasyon bilang magkaibigan dahil sa kanilang common bond – their daughter na si Ellie. Naging close din kahit papa’no ang actor sa namayapang actress na madalas `anak’ ang tawag sa kanya.

Ang isa pang ikinatutuwa ng marami kay Jake ay ang pagiging mapagmahal nitong ama sa kanyang anak (kay Andi) na si Ellie na sa kanya nakatira kapag ito’y nasa Maynila. Ellie flies to Siargao kapag wala itong pasok sa school to spend time with her mom, her stepdad na si Philmar Alipayo at half siblings na sina Lilo at Koa.

Although priority kay Ellie ang pag-aaral, hindi kami magugulat kung isa sa mga araw na ito ay pasukin din nito ang showbiz.

Pelikula ni Imelda hindi pulitikal

THE Untold Story of Imelda Papin” na ang bagong titulo ng pelikulang produced ng Queen Productions ng Jukebox Queen at dating Vice-Governor ng Camarines Sur na si Imelda Papin na pinagbibidahan ni Claudine Barretto kasama sina Alice Dixson, E.R. Ejercito, Gary Estrada, Maffi Papin at iba pa mula sa direksiyon ni Gabby Ramos. After all, ang pelikula ay tumatalakay sa inspiring life story ni Imelda from her simple life sa probinsya hanggang sa kanyang pagiging Jukebox Queen, recording star, hitmaker at in-demand performer hindi lamang sa iba’t ibang dako ng Pilipinas kundi maging sa ibang panig ng mundo. Nakilala rin siya sa naging koneksyon sa namayapang dating Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Edralin Marcos at dating Unang Ginang na si Imelda Romualdez-Marcos at kung bakit siya tinawag na `loyalista’ ng rehimeng Marcos.

Although hindi ikinakaila ni Imelda ang kanyang pagiging loyalista sa mga magulang ni Pres. Bongbong Marcos, her principal sponsors sa kasal nila ng kanyang namayapang ex-husband at dating politician na si Bong Carrion, gustong ipaabot ni Imelda sa lahat na hindi umano political ang “The Untold Story of Imelda Papin” na gusto niyang maging inspirasyon sa mga manonood.

“Magkakaiba man ang ating mga opinion at political affiliations, at the end of the day, ang kapakanan pa rin ng ating mga kababayan ang mahalaga,” pahayag ni Imelda na isa ring successful entrepreneur.

Kung ang namapayang si Victor Wood ang tinaguriang Jukebox King during his prime, si Imelda naman ang nakilalang “Jukebox Queen” at the peak of her career dahil sa kanyang mga classic hits tulad ng “Bakit,” “Isang Linggong Pag-ibig,’ “Bawal,” “Ako Ba O Siya?,” “Bakit Ikaw Pa,” “Iniibig Ko ang Iniibig Mo,” “Hinanakit,” “Di Totoo” at napakarami pang iba.

Sa kabila na iba na ang henerasyon ngayon, nananatiling in-demand pa rin si Imelda sa iba’t ibang shows here and abroad dahil hinahanap-hanap pa rin ng ating mga kababayan ang kanyang mga pinasikat at walang kamatayang awitin.

“Sa awa ng Diyos, hindi pa rin nawawala ang demand ng ating mga kababayan for us do do shows hanggang ngayon at patuloy pa ring kinikilala kahit ng mga bagong henerasyon ang mga awiting pinasikata nung henerasyon namin,” aniya.

“My recorded hit songs will remain as my music legacy sa future generations,” dagdag pa niya.

Since malapit nang ang mid-term elections, may balak ba si Imelda na muling pumalaot sa larangan ng pulitika?

“Tingnan natin,” maiksi niyang tugon.

Ang pagiging isang mang-aawit ni Imelda maging ng kanyang mga kapatid na sina Gloria at Eileen Papin ay unti-unti na rin nilang naipapasasa sa kaisa-isang anak ni Imelda na si Maffi Papin Carrion maging sa mga apo ng tinaguriang Jukebox Queen.

Samantala, although naghihintay pa ng theatrical release ang “The Untold Story of Imelda Papin” ay nagkaroon na ito ng iba’t ibang successful screenings hindi lamang in Metro Manila kundi maging sa iba’t ibang lugar na rin ng Pilipinas at kasunod na rito ang screenings abroad. Kinukuha na rin umano ito ng GMA at ng Netflix.

Kim at Paulo may special relationship na

NANINIWALA ang marami na may special bond na sa pagitan nina Kim Chiu at Paulo Avelino na lead stars ng tumatakyong serye na “Linlang” at sa bagong Viu project in collaboration with ABS-CBN and Dreamscape Entertainment ng namayapang si Deo Endrinal.

At the media launch ng Philippine adaptation ng Korean hit TV series na “What’s Wrong with Secretary Kim” na muling pinagbibidahan nina Kim at Paulo ay marami ang kinilig sa bagong tambalan ng dalawa na pinamahalaan ni Chad Vidanes at matutunghayan sa Viu streaming platform simula ngayong March 18.

It was late year nang mapabalitang hiwalay na si Kim sa kanyang boyfriend ng maraming taon na si Xian Lim habang tahimik lamang ang break-up nina Paolo at dati nitong nobyang si Janine Gutierrez.

Dahil madalas magkasama ngayon sina Kim at Paulo, hindi malayong mahulog ang kanilang loob sa isa’t isa lalupa’t pareho na silang kumportable bilang magkatrabaho.

Kung heavy drama ang tumatakbo nilang serye, ang “Linlang,” pakikikiligin naman ng dalawa ang mga manonood sa romantic comedy na “What’s Wrong with Secretary Kim” na nilagyan ng Pinoy flavor para mas swak sa panlasa ng mga local televiewers. Tampok din sa nasabing serye sina Jake Cuenca, Janice de Belen, Pepe Herrera, Romnick Sarmenta, Franco Laurel, Angeline Quinto at iba pa.

Pepe hindi nawawalan ng trabaho

PANAHON ngayon ng singer, actor-comedian na si Pepe Herrera na hindi nawawalan ng proyekto magmula nang ito’y mapanood sa hit musical na “Rak of Aegis” in 2014 at sa kanyang pagpasok sa “FPJ’s Ang Probinsyano” nung 2016. Nung isang taon, dalawang pelikula ni Pepe ang naging kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival, ang nag-number one sa box office na “Rewind” na siyang may tangan ngayon ng Pinoy Box Office Record of All Time na pinangunahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, maging ang drama movie na “Family of Two (A Mother and Son Story)” na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Alden Richards.

Sa ginanap na 1st Manila International Film Festival in Hollywood kung saan tampok ang sampung kalahok sa MMFF, si Pepe ang hinirang na Best Supporting Actor (for the movie “Rewind”). Sadly, hindi niya personal natanggap ang kanyang kauna-unahang acting award dahil hindi siya nakadalo sa nasabing filmfest sa Amerika.

Sa pagsisimula ng taon ay ipinalabas ang isa pang Philippine version ng hit Korean movie na “My Sassy Girl” na pinagtambalan nila ni Toni Gonzaga at ito’y nag-hit sa takilya.

First TV series naman ni Pepe for the year ang “What’s Wrong with Secretary Kim” where he plays the best friend of Paulo Avelino’s character. Pinaghahandaan din ni Pepe ang isang big musical, his first love plus other projects na naka-line up for him this year.

Samantala, hindi nito ikinakaila na dumaan umano siya sa depression na siyang naging sanhi ng biglaan niyang pagtigil sa showbiz. Dumating pa nga umano sa point na gusto niyang wakasan ang kanyang buhay but he was saved by his faith at sa tulong na rin ng kanyang pamilya.

Pepe is yet to marry his partner na si Sarah Mallari na isang visual artist and interior designer kung kanino siya may dalawang anak – sina Pay at Ito.

“Inuna muna namin ang bahay, then saka na susunod ang wedding,” pahayag nito sa aming personal interview sa kanya for our online show, “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

Si Pepe ay nagtapos ng Music Education sa UST Conservatory of Music and was a music teacher bago niya pinasok ang showbiz.

Natutuwa rin si Pepe sa magandang takbo ng career ng kanyang kaibigang si Empoy Marquez.

Ano kaya’t pagsamahin ang dalawa sa isang proyekto?

Karylle and Yael renew wedding vows

MATAPOS ang ginawang second proposal ni Yael Yuzon sa kanyang wife of ten years na si Karylle Tatlonghari sa programang kinabibilangan ng huli, ang “It’s Showtime,” the couple renewed their wedding vows last Saturday, March 9 sa Church of the Gesu ng Ateneo de Manila University kung saan pareho nag-aral ang dalawa. The renewal of vows was attended by the immediate members of their respective families and close friends.

Karylle’s mom, Divine Diva Zsa Zsa Padilla and current partner Arch. Conrad Onglao, half-sister Zia Quizon and husband were among those who attended the event.

Marc lumipat na sa Kapatid network

MATAPOS ang halos tatlong taong dekada with ABS-CBN at pagiging isang true-blooded Kapamilya, veteran journalist Marc Logan has now moved to Kapatid network matapos itong lumagda ng kontrata doon kamakailan lamang kung saan niya ngayon kasama ang dati rin niyang Kapamilya na si Julius Babao.

Marc stayed on with ABS-CBN kahit nawalan ito ng prangkisa nung May 5, 2020 nang hindi na i-renew ng NTC ang kanilang broadcast network.

Mula sa pagiging desk editor, Marc moved to hosting a radio program with Amy Perez sa “Sakto” program on DZMM at pagiging host ng “Mga Kuwento ni Marc Logan” at segment host ng “TV Patrol” sa “Meron Akong Kuwento”.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE