Kim1

Kim sinalo ni Paulo sa usapang pagmamahal

March 10, 2024 Eugene E. Asis 103 views

KimSA presscon ng bago nilang serye sa ABS-CBN, ang Pinoy version ng hit K-drama series na “What’s Wrong With Secretary Kim,“ tila nahirapan si

Kim Chiu na sagutin ang tanong kung ano ang mga kakaibang bagay na nagawa niya sa ngalan ng (sobrang) pag-ibig.

Humarap si Kim kasama ang leading man niyang si Paulo Avelino at iba pang cast members sa entertainment media kahapon sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

“Puwedeng ano, call a friend? Ha-hahaha! Siya na muna ang sasagot si Sarah,” ani Kim, sabay turo sa co-star nilang si Angeline Quinto.ix missing after South Korean fishinging after South Korean fishing boat capsizes

Pagkatapos ng saglit na pag-iisip, ani Kim:

“Ang hirap naman. Ano ba ‘yung love? Nakalimutan ko na, eh!” pagkatapos ay bumaling ng tingin kay Paulo sabay dialogue ng, “Ipapaalala mo ba?”

Sa puntong ito, sinalo ni Paulo si Kim at sinabing ang pagpapahalaga niya sa aktres bilang kaibigan at katrabaho ang isa sa dahilan kung bakit pumayag siyang makasama uli ito sa bagong series pagkatapos nila sa “Linlang.”

“Siguro ano, ito, itong ‘Secretary Kim’. Dahil sa pagmamahal ko bilang ka-trabaho ka, at sa trabahong ibinigay mo sa ‘Linlang’ so, pangbawi sa ‘yo. So I’m here at Secretary Kim to give back,” sabi ng aktor.

Kaagad namang naka-relate si Kim sa sinabi ni Paulo: “Sobrang funny siya dito, sobrang funny siya dito, hindi na siya si Paulo Avelino.”

“Teka lang…pagmamahal ‘yung pinag-uusapan bakit mo tsini-change topic?” hirit ni Paulo sa kanyang leading lady. Na sinagot ni Kim habang bumubungisngis ng, “Siyempre pinupuri kita.”

“I think if it was offered to me and if it wasn’t Kim, I would probably have second thoughts,” salo naman ni Pau.

At dahil dito, tila nagseryoso si Kim. Aniya, ang pagpapahalaga at pagbibigay din ng panahon sa pamilya at mga kaibigan ang isa sa mga ginagawa niya para ipakita ang kanyang pagmamahal.

“Sobrang giving ko talaga na tao, parang ayokong nale-left out or nao-OP (out of
place) or something. I always give as long as I can give, kasi wala namang mawawala sa akin kung magbibigay ako e’, parang siguro hindi ko alam kasi ‘yung sagot niya, nalito tuloy ako.

“Pero unusual na bagay? Siguro marami ka namang magagawang unusual kapag nagmahal ka, parang hindi na ‘yun unusual sa ‘yo parang normal na sa’yo ‘yun kapag andon ‘yung love so hanggang doon na lang muna,” paliwanag ni Kim.

Samantala, mapapanood na ang “What’s Wrong With Secretary Kim” simula sa March 18 sa streaming app na Viu. Ito’y mula sa ABS-CBN Studios at Dreamscape Entertainment.

AUTHOR PROFILE