Jake

Jake, todo-suporta sa Oscar bid ni Dolly

November 26, 2022 Ian F. Fariñas 239 views

ISA si Jake Cuenca sa mga local celebrity na nagwi-wish na makapasok at magwagi ng Oscar award ang theater/film actress na si Dolly de Leon para sa international movie nitong Triangle of Sadness.

Naibahagi ng aktor ang wish niyang ito sa grand mediacon ng 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang My Father, Myself na dinirek ni Joel Lamangan para sa 3:16 MediaNetwork at Mentorque Productions.

Ayon kay Jake, sa teatro siya tumakbo nu’ng mga panahong meron siyang matinding pinagdaanan sa buhay.

That time, sinadya umano niyang isarado ang personal na buhay at nag-focus lang sa kanyang pamilya at colleagues sa teatro.

“’Yun lang talaga ‘yung tinakbuhan ko. Sabi ko, with those things… and then na-realize ko ano parang ‘yun ‘yung natural habitat ko, ‘yung teatro.

Talagang naroon daw para sa kanya ang mga kaibigang taga-teatro, gaya nga ni Dolly, kaya aniya, “Right now, I wish si Dolly de Leon wins the Oscars this year. So, talagang ano, this experience, the past six months, ginusto ko lang maging aktor. Ayoko nang… I just wanted to focus on being an actor, not a celebrity, not a dancer, not a YouTuber, not a singer but just an actor. I was able to do that and for that I’m just thankful.”

Wala rin siyang interes pag-usapan ang kanyang mga “ex.”

“Ano po ako, right now, ‘andito po ako in the now. Kumbaga, right now, at this moment, I feel grateful. I’m so grateful being here in front of you, guys, doing this movie. For that I’m so grateful,” giit pa ni Jake.

Malaki rin ang pasasalamat niya kay Direk Joel at sa My Father, Myself dahil nabigyan siya nito ng pagkakataong maglabas ng emosyon.

Kwento ng aktor, “In-allow ako ng pelikulang ito maglabas ng emosyon at hindi ako hinusgahan sa set. In-encourage ako ni Direk Joel ibigay… of course, hindi ko kinukwento ang mga problema ko sa set but everyone obviously knows na may pinagdadaanan ako. But everyone was ano, eh, very, very supportive with me on the set. At the same time, sabi ko, like I said kanina, ‘yun ‘yung saving grace ko, eh. ‘Pag may masamang nangyayari sa buhay ko sinasabi ko talaga na gagamitin ko ‘to para sa art ko. ‘Yun po.”

Kasama ni Jake sa cast ng My Father, Myself, na isinulat ni Quinn Carillo, sina Dimples Romana, Sean de Guzman, Allan Paule, ang baguhang si Tiffany Grey, atbp.

AUTHOR PROFILE