Showtime

‘It’s Showtime’ vs ‘Eat Bulaga’ tuluy na tuloy na?

March 18, 2024 Eugene E. Asis 115 views

EATIT’S Showtime.’ Ito na raw ang isisigaw sa tanghaling tapat sa GMA7, at hindi na sa GTV.

Matapos mawala ang saya sa ‘Tahanang Pinakamasaya’ sa noontime slot at pansamantalang palitan ito ng mga lumang pelikula sa GMA7, heto at maugong na nga ang balita na talagang ‘It’s Showtime’ na ang eere sa naturang slot simula sa maikling panahon ng paghihintay.

Malapit na raw maglabas ng official announcement ang GMA tungkol dito, ayon sa vlogger/talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang Youtube channel. Mukhang reliable naman si Papa Ogs (lalo na sa balita ng mga naghihiwalay).

Pero ang hindi pa malinaw ay kung paano ang kanilang magiging deal, kung blocktimer ba ang ABS-CBN or revenue sharing sila with GMA.

Maganda kung iisipin, pero magiging malaya ba ang mga host na sina Vice Ganda, Anne, Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Karylle at iba pa sa kanilang mga galaw at sasabihin on the show, considering na mga taga-Kapamilya channel sila na nakatuntong sa Kapuso channel?

At bakit hindi na lamang gumawa ng sariling noontime show ang GMA7? May iba ba silang agenda sa pagtatapat na ito ng show ni Vice Ganda at ng Tito, Vic and Joey?

Malalaman nating lahat ‘yan kapag nagkatotoo na ang ibinalita ni Papa Ogs sa kanyang Youtube channel.

AUTHOR PROFILE