Roxie Larawan mula sa IG/Roxie Smith

Handa ni Roxie sa birthday: Cleavage pics

March 18, 2024 People's Tonight 92 views

HINDI nagpaawat si Miss Earth Philippines 2020 at Kapuso actress na si Roxie Smith dahil maging sa kanyang mismong kaarawan ay nagpasabog ito ng kaseksihan.

Sa isang Instagram post ng beauty queen-actress, tila naghain siya ng handa sa social media mula sa mga larawang kanyang ibinahagi para sa pagdiriwang ng kanyang birthday.

“It’s that day of the year,” maikling caption niya sa kanyang post.

Fresh na fresh sa kanyang no makeup look si Roxie, pero grabe magpainit sa kanyang suot-suot na two-piece bikini.

Bumulaga man sa social media ang kanyang toned body, mapapalingon din ang sino mang barako sa pa-cleavage ng aktres.

Swabeng-swabe at banayad ang patakam ni Roxie. Maging ang kanyang facial expression ay tila ikaaangat ng libido ng mga kelot.

Pinusuan ng netizens at binaha ng birthday greetings ang nasabing post ng beauty queen-actress.

AUTHOR PROFILE