Bolera

Isyung buntis at relasyon kay Gerald, dinenay ni Kylie

August 24, 2022 Jun Nardo 337 views

NATATAWANG itinanggi ni Kylie Padilla ang kumakalat na tsismis na buntis siya.

“Huwag po kayong maniniwala sa tsismis!” nakangiting sagot ni Kylie sa interview sa kanya ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

Ang kapareha sa movie nilang Unravel na si Gerald Anderson ay sabit sa tsismis.

“Magkaibigan lang kami ni Gerald. Purely professional ang samahan namin,” dugtong pa ni Kylie.

Anyway, ngayong Huwebes, magbabanggaan na sila ni Gardo Versoza sa Kapuso series na Bolera. Magkalaban man sila sa series, pagdating naman sa behind the scenes ng ilan sa cast, si Gardo ang pasimuno sa pagsasayaw ng grupo sa TikTok, huh!

Sumikat kaya si Gardo sa TikTok na nagsasayaw habang nakasuot ng stiletto shoes.

PAGGAWA NG TELESERYE, IPINASA NI BILLY KAY COLEEN

Full circle na ang nagawa ni Billy Crawford sa kanyang career.

Nagsimula sa edad na apat sa GMA Network, napunta sa TV5, Channel 2 at ibang istasyon at ngayon sa game show na The Wall Philippines, nagbabalik si Billy sa GMA Network.

Para kay Billy, blessed siya kaya nakaikot siya sa iba’t ibang networks.

Pero kung puwede pa siyang gumawa ng teleserye, sagot niya sa mediacon, “Sa asawa ko na lang ‘yun! Host na lang ako! Hahaha!”

Ngayong Sunday, August 28, ang premiere ng The Wall Philippines.

AUTHOR PROFILE