Default Thumbnail

Isko nanguna sa ika-55 taong anibersaryo ng PLM

June 20, 2022 Edd Reyes 221 views

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang pagdiriwang ng ika-55 taong anibersaryo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na may temang “Sustaining Quality Education and Excellent Service”, na halaw sa ginagabayang prinsipyo ng PLM na “Karunungan, Kaunlaran at Kadakilaan”.

Ang naturang pagdiriwang ay pinatingkad ng makasaysayang paglilipat ng lumang gusali ng Ospital ng Maynila sa pamamahala ng naturang unibersidad na ipinangako noon pang Agosto ng taong 2021 ni Yorme Isko sa oras na maitayo na ang 10-palapag na modernong Bagong Ospital ng Maynila na pinondohan ng lokal na pamahalaan.

“As I have promised, we will convert the old building of Ospital ng Maynila to health science campus, with due respect to Mayor (Arsenio) Lacson and Mayor (Antonio) Villegas. I want you to inculcate in your mind, never ever forget those people, wala kayong lahat dito, lahat tayo dito, kung wala sila. That is a fact, you owe it to your city government, you don’t owe it to anybody, it is your city government, and in fact, you should be proud being part of this institution,” saad ni Mayor Isko sa kanyang talumpati bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.

“So as a matter of respect to Mayor Lacson and Mayor Villegas, who created the idea, we will maintain the old building, ireregalo natin sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, gagawin na nating Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, College of Medicine,” dagdag pa ng alkalde.

Sa ipagkakaloob na suporta ng lokal na pamahalaan, isasailalim sa pagkukumpuni ang lumang gusali ng Ospital ng Maynila upang maging tugma sa mga estudyanteng kumukuha ng medisina.

Ang pamunuan ng PLM ay nakatakdang makipag-ugnayan sa City Engineer’s Office para sa planong pagkukumpuni.

“The idea is to bring back the old structure, old design but fit, I mean para sa panahon ngayon, kaya pumanatag kayo mga mag-aaral na mga doktor, nurses, you will have a better space, place, in the same manner na spit-away na lang yung Bagong Ospital ng Maynila,” sabi pa ng alkalde.

Sa panig naman ni PLM President Emmanuel Leyco, sinabi niya na ang lumang gusali ng Ospital ng Maynila ay tatawagin na bilang “PLM Allied Health Sciences Campus” na kumpleto sa tamang bilang ng mga silid-aralan para sa mga mag-aaral ng medisina at laboratory para sa College of Nursing, College of Physical Theraphy at posibleng sa College of Science.

AUTHOR PROFILE