Beatrice

Isa sa maleta ni Miss Universe Philippines Beatrice nawawala

December 2, 2021 Aster Amoyo 330 views

DAHIL sa travel restrictions due to the pandemic, may ilang bansa ang hindi makakapag-participate sa 70th year ng Miss Universe pageant na gaganapin sa Universe Arena in Eilat, Israel sa December 12, 2021. Ang mga bansang hindi makasasali ay ang Barbados, Belize, Indonesia at Myanmar. But for the very first time ay sasali ang Bahrain habang ang ibang bansa ay nagbabalik sa Miss Universe pageant tulad ng Equatorial Guinea, Germany, Greece, Guatemala, Hungary, Kenya, Morocco, Namibia, Nigeria, Sweden at Turkey. Ang bansang Morocco ay nung 1978 pa huling sumali sa Miss Universe pageant.

Samantala, ang Universe Arena ay isang custombuilt arena na inimporta pa galing Portugal.

Speaking of 2021 Miss Universe pageant, may lumulutang na balita na isa umano ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera sa mga tatayong hurado. If ever, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na isang Filipina celebrity ang magiging bahagi ng mga hurado ng Miss Universe. Nauna na rito ang Pinoy Pop Diva na si Kuh Ledesma in 1991 na sinundan ng Broadway star na si Lea Salonga in 2011 at ng 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach in 2017.

Si Beatrice Luigi Gomez ang kinatawan ng Pilipinas sa 2021 Miss Universe pageant. Ang Pinay beauty ay lumipad na patungong Israel last Saturday, November 27 pero ang malungkot na parte, nawawala ang isa sa kanyang suitcases na sana’y makuha niya bago ang coronation night on December 12 (December 13 ng umaga sa Pilipinas). Nakuha niya lahat ng kanyang suitcases sa Ben Gurion Airport ng Israel pero pagdating sa hotel ay wala ang isa sa kanyang mga maleta.

AndreaAndrea nag-tour sa Los Angeles kasama ang ina

AFTER her taping ng “Legal Wives” sa Kapuso network, lumipad patungong Buenos Aires, Argentina ang Kapuso actress na si Andrea Torres to shoot her first international movie, ang “Pasional” under Malevo Films in cooperation with GMA. Sa nasabing pelikula, Andrea plays a Filipina tango dancer. Pagkatapos ng shooting in Argentina ay tumuloy siya ng Amerika with her mom na si Emerita Torres where they both experienced the `Thanksgiving Day’ celebration last November 25.

Andrea and her mom toured Los Angeles, California (including Rodeo Drive in Beverly Hills and Universal Studios Hollywood). After they toured L.A. ay tumuloy sila ng Las Vegas, Nevada.

It’s been more than a year magmula nang magkahiwalay sila ng kanyang ex-boyfriend na si Derek Ramsay who is now married to actress Ellen Adarna. But after their break-up ay nakapag-move on na ang Kapuso actress na sunud-sunod ang dumating na blessings.

At 31, umaasa ang Kapuso actress na darating din sa kanyang buhay ang kanyang `Mr. Right’ sa tamang panahon.

Si Andrea ay huling napanood sa TV series na “Legal Wives” na pinagsamahan nila nina Dennis Trillo, Alice Dixson at Bianca Umali na dinirek ni Zig Dulay for GMA.

EduLuis natutuwa sa relasyong Edu-Cherry Pie

KUNG masaya ngayon ang TV host-actor and entrepreneur na si Luis Manzano sa piling ng kanyang wife na si Jessy Mendiola, masaya rin siya for his dad, ang actor-TV host na si Edu Manzano ngayong nakatagpo ito ng bagong mamahalin sa katauhan ng veteran actress na si Cherry Pie Picache (51).

Sina Edu at Cherry Pie ay nagkalapit sa isa’t isa nang sila’y magsama sa tumatakbo ngayong romance-comedy TV series ng ABS-CBN, ang “Marry Me, Marry You” kung saan sila gumaganap na estranged parents as Emilio and Elvie ng character ni Andrei na ginagampanan naman ni Paulo Avelino.

Si Edu was in a relationship with a non-showbiz woman na si Iryne Garcia habang si Cherry Pie naman ay nung 2006 pa hiwalay sa kanyang dating partner na si Gary Tria, ama ng kanyang 19-year-old son na si Nio (Antonio Tria).

Natutuwa si Luis kapag nakikita niyang masaya ang kanyang ama at ito ang kanyang nakikita ngayon with actress na si Cherry Pie.

The new couple were seen in New York, Seattle, Florida at iba pang lugar. Nalaman lamang ang relasyon ng dalawa when Cherry Pie started to share her photos with Edu habang nasa Amerika.

RoiRoi nasa ‘Ang Probinsyano’ na

BUKOD sa Megastar na si Sharon Cuneta, ang veteran actor na si Roi Vinzon ang pinakabagong karagdagan sa cast ng top-rating ang long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Si Roi ay huling napanood sa tumatakbong serye ng GMA, ang “To Have and To Hold” na tinatampukan nina Carla Abellana, Rocco Nacino at Max Collins which started airing on Setember 27, 2021.

Ang GMA ang naging tahanan ni Roi sa loob ng walong taon magmula nang gawin niya ang hit TV series na “My Husband’s Lover” in 2013 na pinagbidahan nina Dennis Trillo, Carla Abellana at Tom Rodriguez. Ang nasabing serye rin ang unang TV series ni Tom sa Kapuso network.

Honored naman si Roi na maging bahagi ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

ProbinsyanoSharon nag-host ng steak dinner para kina Coco and company

BUKOD kay Coco Martin, cast and production staff ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” ang isang natutuwa sa pagpasok ni Sharon Cuneta sa nasabing serye ay si Rosanna Roces. Sina Sharon at Osang (Rosanna) ay nagkatrabaho sa controversial movie ni Darryl Yap na “Revirginized” at doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

Pagkatapos ng shooting ng “Revirginized” ay pinadalhan ni Sharon si Osang ng branded and expensive Christian Dior bag at isang Louis Vuitton back-pack naman kay Direk Darryl.

During the break ng “FPJ’s ang Probinsyano” nung November 25 (Thanksgiving Day) ay nag-host si Sharon ng steak dinner sa bumubuo ng cast ng serye na pinangunahan mismo ni Coco.

FilomenoChie inaming nagti-text sa kanya si Kyle

ANG 25-year-old actress na si Chie Filomeno ang 3rd evictee ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” at inamin nito na bago pa man siya pumasok ng PBB house ay nagti-text na umano sa kanya ang 18-year-old 4th evictee at ka-loveteam ni Francine Diaz na si Kyle Echarri. Pero naging close lamang umano silang dalawa nang pareho silang nakapasok sa PBB house.

Ngayong nasa outside world na si Chie, agad siyang isinama sa bagong sisimulang TV series ng magkasintahang Loisa Andalio at Ronnie Alonte, ang “Love in 40 Days”. It was also announced na siya ang 2022 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel habang ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo ang bagong Tanduay Calendar Girl for 2022.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE