DMW

Isa pang Pinay nasugatan sa sunog sa HK– DMW

April 11, 2024 Jun I. Legaspi 195 views

KINUMPIRMA ng Department of Migrant Workers (DMW) na isa pang Pilipina ang nasugatan sa sunog sa isang 16-storey residential building, sa Hong Kong.

Dahil dito, umabot na sa dalawa ang nasugatan sa insidente, ayon sa report ng Migrant Workers Office sa Hong Kong (MWO-HK).

Ang pinakahuling biktima ay isang permanent resident sa Hong Kong Special Administrative Region (HK-SAR).

Agad namang nilapatan ng lunas ang biktima dahil sa smoke inhalation sa isang local hospital.

Dahil naman sa kanyang edad, nagdesisyon ang mga doktor na patuloy pa siyang obserbahan.

Ang unang biktima na nasugatan ay nagtamo ng sugat dahil sa nabasag na glass door na kinailangan niyang basagin para maiwasan ang smoke inhalation.

Hanggang ngayon ay nananatili sa pagamutan ang biktima at ginagamot pa rin ang kanyang mga sugat.

Ang biktima ay halos kakukuha pa lamang ng permanent residency status sa Hong Kong at nananatiling active member ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Agad na ring nagtungo ang ga opisyal ng MWO-HK at Philippine Consulate General sa Hong Kong (PCG-HK) sa pagammutan upang makausap ang mga biktima.

AUTHOR PROFILE