DFA Source: OFW Join Force Philippine Chapter FB

DFA, DMW gagawin lahat ng paraan para mailigtas 4 Pinoy sa na-hijack na barko

April 14, 2024 Edd Reyes 153 views

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Philippine embassy sa Tehran, Iran para matiyak ang kaligtasan ng apat na tripulanteng Pinoy na sakay ng container ship na iniulat na na hijack sa bahagi ng Straight of Hormuz.

Sa maikling kalatas, sinabi ng DFA na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng paraan para matiyak na maililigtas at makakauwi sa kanilang pamilya ang mga tripulanteng Pilipino na sakay ng kinubkob na MSC Aries.

Portuguese container ship na pag-aari ng Zodial Maritime na naka-base sa London na pag-aari naman ng bilyonaryong Israel shipping magnate na si Eyal Ofer ang na hijack na bapor.

Batay sa ulat, kinubkob ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran na sakay ng helicopter ang container ship noong Sabado sa bahagi ng Strait of Hormuz habang papasok sa Persian Gulf.

“Advancing the welfare of our seafarers and other overseas nationals is an ongoing commitment of the administration of President Bong Bong Marcos,” sabi ng DFA sa kalatas.

AUTHOR PROFILE