PCSO

INSTANT YAYAMANIN

March 14, 2023 People's Tonight 220 views

Minsan waiter, madalas dishwasher P75.2M- milyonaryo na dahil sa lotto

ISANG lalaki na minsan ay nagtatrabaho bilang waiter pero madalas ay dishwasher ang nanalo ng P75.2 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 noong Pebrero 27.

Dahil kulang ang sweldo, naghanap ng ibang trabaho, “Pero higit pa sa trabaho ang ibinigay ng Panginoon ngayon,” sabi ng 49-anyos na nanalo ng kunin ang kanyang premyo sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Mahigit dalawang dekada na umanong tumataya sa lotto ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 09-08-05-01-30-52. Siya ay tumaya sa Novaliches, Quezon City.

“Madalas naman hindi rin ako nakakataya kasi walang budget pero hindi po ako nawawalan ng pag-asa dahil alam kong may swerte pa ring darating sa atin. At ito na nga po yun. Salamat po,” sabi pa ng nanalo.

Plano ng nanalo na magtayo ng negosyo at bumili ng lupa.

AUTHOR PROFILE