Default Thumbnail

Indian nat’l timbog sa ‘corn flakes’ opium

May 10, 2023 Jun I. Legaspi 235 views

ISANG Indian national ang inaresto ng mga tauhan Bureau of CustomsNinoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) matapos makuha mula sa kanya ang limang kilo ng opium mula sa bansang Spain, ayon sa mga awtoridad.

Ang suspek ay inaresto ng mga awtoridad na siyang nagpakilalang “claimant” ng kargamento na naglalaman ng nasabing iligal na droga, sa Central Mail Exchange Center, Pasay City, Martes.

Ayon sa BOC-NAIA, “misdeclared” ang nasabing kargamento at sinasabing food cereals “corn flakes” na nagmula sa Murcia, Spain.

Nagduda ang mga BOC-NAIA X-ray personnel dahil na rin sa kahina-hinala ang lumalabas sa X-ray screening kung kaya’t isinagawa ang physical examination sa harap mismo ng claimant.

Pagbukas ng kargamento, dito na bumantad sa mga anti-drug personnel ang limang kilo ng opium.

Inaresto agad ang suspek at isinailalim sa imbestigasyon ng PDEA.

Kaugnay nito, nanindigan si BOC-NAIA District Collector Carmelita M. Talusan, sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at Customs Commissioner Buenvinido Y. Rubio na determinado silang hadlangan ang lahat na magtatangkang magpasok ng anumang iligal sa bansa.

AUTHOR PROFILE