Default Thumbnail

Imported chicken sa palengke delikado sa consumer?

October 7, 2021 Edd Reyes 416 views

DELIKADO umano sa mga konsyumer ang pagbili ng mga imported na manok sa palengke dahil hindi ito nailalagay sa tamang temperatura, ayon sa head ng Animal Nutrition Division ng Institute of Animal Science sa University of the Philippines Los Baños.

Sinabi ni Dr. Noel Lumbo, head ng Institute of Animal Science sa UPLB, na isa sa pinakapamalaking problema ang mga imported na manok na binebenta sa palengke.

Aniya, nawawala ang meat cleanliness at sanitation ng mga manok dahil hindi nailalagay sa tamang temperatura ang poultry meat.

“Isa ‘yan sa mga pinakamalaking problema sa atin, because our chickens are nakabuyangyang doon. Tumataas ‘yung kaniyang temperature to room temperature for more than how many day, how many hours. That is a no, no pagdating sa ano, pagdating sa meat sanitation or meat cleanliness,” paliwanag ni Lumbo.

“Pagdating sa wet market, doon nagkakaroon ng problem. Because ‘yung nakabuyangyang na ‘yon, ‘yun ang, pag hindi ‘yun naubos ibabalik n’ya agad ‘yun doon sa ano n’ya. Pero usually hindi sila nagfi-freeze, nakalagay ‘yan sa iced water.”

Paliwanag pa ni Lumbo, kalimitang nagiging sanhi ng sakit sa mga konsyumer ay dahil sa hindi tamang storage ng manok.

AUTHOR PROFILE