Sugal

Illegal gambling

May 31, 2023 People's Tonight 205 views

HALOS araw-araw ay may nababalitaan tayong nahuhuli ng mga pulis na nagsusugal, kadalasan ay mga sangkot sa illegal numbers game na jueteng, sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas.

Ito ay “understandable,” lalo na sa mga liblib na pook hindi lang sa Luzon kundi sa buong bansa, kasi marami tayong kababayan ang walang magawa dahil sa kawalan ng trabaho.

Ang problema ay kung minsan ay may mga napipilitang magnakaw o manghold-up dahil wala silang maisugal.

Kaya tama lang ang desisyon ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na paparusahan ang mga opisyal “not taking action against illegal gambling operations” sa kani-kanilang hurisdiksyon.

Pagdating sa illegal gambling, may “one strike policy” ang pambansang pulisya na pinamumunuan ngayon ni Gen. Benjamin Casuga Acorda Jr., na isang Ilocanong taga-Ilocos Norte.

Sa ilalim ng policy ng PNP, lahat ng mga police commander na mapapatunayang nagpabaya sa kani-kanilang tungkulin ay mahaharap sa tinatawag na “tough sanctions.”

Ayon naman kay PNP Director for Operations Brig. Gen. Leo Francisco, lahat ng klase ng illegal gambling “should be dealt with,” saying “it’s not about what type of gambling.”

“We will validate it (illegal gambling) and we will see to it that appropriate police actions will be done,” dagdag pa ni Heneral Francisco.

Ang mga pabayang police commander ay mare-relieve sa kanilang puwesto at mahaharap ng administrative charges “under the doctrine of command responsibility.”

Naniniwala ang maraming sektor na hindi ito-tolerate ng PNP leadership ang illegal gambling activities na bumibiktima sa mga “most vulnerable members” ng ating lipunan.

Tiyak ‘yon!

AUTHOR PROFILE