Dizon

Ilegal na ‘karera’ sa Maynila binuwag ng MPD, GAB

November 18, 2022 Jonjon Reyes 414 views

MAGKASANIB na puwersa ng Manila Police District (MPD) at ng mga tauhan ng Games and Ammusement Board (GAB) ang sumalakay sa isang ilegal na karera ng kabayo sa Tondo, Manila iniulat ng pulisya.

Nahuli ng mga awtoridad ang tatlong indibidwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa nasabing karera.

Batay sa ulat ni P/Maj. Rommel Reyes Purisima, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit ng MPD, bandang 8:30 ng gabi (Huwebes), nang salakayin nila ang ilegal na “bookies” ng karera sa Franco Street sa Barangay 65 Zone 6 sa Tondo.

Katuwang ang mga tauhan ng GAB na pinangungumahan ni Raul Galit, Sports and Games Inspector ll, nang pagdadamputin ang tauhan ng ilegal na pasugalan at ang dalawang mananaya.

Dahil na rin sa direktiba ni MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon na “Simultaneuos Anti-Criminality Law Enforcement Operation” o SACLEO, patuloy ang kanilang operasyon kontra kriminalidad at mga lumalabag sa batas.

AUTHOR PROFILE