Showtime

Iba’t ibang TV companies magsama-sama

July 12, 2022 Aster Amoyo 456 views

SIMULA sa Sabado, July 16, 2022 ay mapapanood na rin sa TV5 ang long-running noontime show ng Kapamilya channel, ang “It’s Showtime” at makaka-back-to-back ng “Lunch Out Loud” na noontime show produced ng Brightlight Productions sa TV5.

Magmula nang mawala ang prangkisa ng ABS-CBN nung May 5, 2020 ay naging bukas at agresibo ang Kapamilya executives sa iba’t ibang collaboration and business ventures with other TV networks na noo’y tila imposibleng mangyari.

Although leading ang Kapamilya pagdating sa iba’t ibang digital platforms, kailangan pa rin nila ng free TV kaya sila’y unang nakipag-alyansa sa Zoe Broadcasting Network (Channel 11) and rebranded the channel to A2Z.

Except for the news programs, halos lahat ng iba’t ibang programa ng ABS-CBN tulad ng noontime show na “It’s Showtime” maging ang mga panghapon at primetime drama series and other programs ay napapanood na sa A2Z. Hindi nagtagal ay napanood na rin ang mga ito sa TV5 na ang pinaka-latest ay itong hindi inaasahang back-to-back merging ng dalawang noontime programs sa magkaibang channel.

Brightlight Productions big boss, Albee Benitez is a close ally of ABS-CBN.

Ang isa pang magandang balita, ang darating na 2022 Bb. Pilipinas grand coronation night na gaganapin sa Big Dome (Araneta Coliseum) on July 31 at 9 p.m. ay mapapanood din sa A2Z at TV5.

Dahil sa kolaborasyong ito, nagkakatulungan ang iba’t ibang TV networks including GMA kung saan napapanood ang mga pelikulang gawa ng Star Cinema ng ABS-CBN.

Sa halip na `magpatayan’ ang iba’t ibang TV networks in terms of ratings, dapat ay magtulungan na lamang sila. After all, ang mga manonood naman ang higit na makikinabang dito.

Kung may ongoing alliances na ang ABS-CBN with Zoey Broadcasting Network and TV5, hindi rin kami magtataka kung maging sa bagong tatag na Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ni dating Senate President Manny Villar na siyang nakakuha ng dating prime frequency ng Kapamilya network ay magkaroon din sila ng alyansa .

Napag-alaman namin na sa darating na September 2022 magsisimula ang pilot airing ng mga bagong programa ng AMBS na sisimulan ng daily game show program ni Willie Revillame, ang “Wowowin: Tutok to Win”.

Ang mga sinehan ng Starmall in Shaw Blvd (corner EDSA) are being converted into studios ng AMBS at ang isa rito ay dedicated studio sa daily game show ni Willie, a close ally of businessman and former Sen. Manny Villar.

Samantala, tuwang-tuwa ang hosts ng magkahiwalay na noontime program, ang “It’s Showtime” at “Lunch Out Loud” sa bagong development na ito.

NadineNadine1

Mga artista bilib Kay Direk Mikhail

SA unang pagkakataon ay pinagsama ng Viva Films ang tatlo sa kanilang mga stars na sina Nadine Lustre, Louise de los Reyes at McCoy de Leon sa isang psychological-horror movie na “Deleter” mula sa pamamahala ng mahusay na batang director na si Mikhail Red, his first time with Viva.

Si Direk Mikhail ang nagdirek ng “Birdshot” in 2016, na sinundan ng “Eerie” at “Dead Kids” in 2019. Ang “Dead Kids” ay first ever Netflix original film na nagmula sa Pilipinas. Siya rin ang nagdirek ng “Block Z” in 2020 kung saan niya unang nakatrabaho si McCoy at unang beses niyang makakatrabaho sina Nadine at Louise na ngayon pa lamang ay excited nang simulan ang proyekto of this genre na unang beses din nilang gagawin.

“Pagkabasa ko pa lang ng script ay na-excite agad ako sa project,” pag-amin ni Nadine.

“When I heard na si Direk Mikhail ang director, umoo agad ako kahit hindi ko pa nababasa ang script,” susog naman ni Louise at the story conference ng pelikulang “Deleter” na ginanap sa Botejyu – Estancia last Monday evening.

Ganoon din ang naging reaction ni McCoy nang malaman niyang si Direk Mikhail ang director.

Inamin ng tatlong lead stars ng “Deleter” na mas natsa-challenge umano sila sa mga out-of-the box projects tulad ng sisimulan nilang proyekto which will start in the next two weeks.

Umaasa rin ang tatlo maging si Direk Mikhail na mapanood ang movie nila sa mga sinehan.

“Lahat naman tayo ay umaasa na mabalik na sa dati ang interes ng moviegoing public sa panonood sa mga sinehan. Iba pa rin kasi kapag napapanood natin ang isang pelikula on big screen,” pahayag ni Direk Mikhail.

Si Direk Mikhail ay panganay na anak ng isa pang mahusay at award-winning director na si Raymond Red.

Ngayong nakapasok na si Direk Mikhail sa pagdidirek sa bakuran ng Viva, malamang na maging sunud-sunod na rin ang kanyang mga proyekto tulad ng iba pang mga director.

Nadine

Nadine tikom ang bibig tungkol sa boyfriend

IT was only in July 2021 nang unang makilala ng Viva singer-actress and celebrity endorser na si Nadine Lustre ang kanyang Filipino-French businessman boyfriend na si Christophe Bariou sa Siargao where he owns and operates his own resort business.

Nadine was with her friends at that time na siyang nagpakilala sa kanilang dalawa ni Christophe.

Sa unang meeting pa lamang nina Nadine at Christophe ay nagkaroon na sila ng instant connection na nasundan pa ng ilang beses nilang pagkikita hanggang ma-realize ng dalawa that they were falling in love with each other until finally maging sila. Nakatulong pa rito ang pagka-inlab ng singer-actress sa Siargao where she even brought her family.

Kung sa Siargao na ngayon naka-base ang actress na si Andi Eigenmann with her family, bukas din sa posibilidad si Nadine but for now ay pabalik-balik muna siya ng Maynila at Siargao dahil sa nature ng kanyang trabaho.

Ang dating beauty queen-actress na si Alice Dixson ay pabalik-balik din ng Boracay dahil may pag-aari ring business sa nasabing lugar ang kanyang longtime partner (isang American) na hanggang ngayon ay ayaw pa rin niya i-share sa publiko.

Samantala, kahit mahigit dalawang taon nang hiwalay si Nadine sa kanyang ex-boyfriend, ang ex-PBB Big Winner-turned actor, singer-songwriter at record producer na si James Reid ay napanatili ng dalawa ang pagiging magkaibigan kaya may mga pagkakataon na nagkikita pa rin ang dalawa sa ilang okasyon.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE