LolShowtime

‘Lunch Out Loud’ at ‘It’s Showtime,’ back-to-back sa A2Z, Kapamilya Channel at TV5

July 11, 2022 Ian F. Fariñas 339 views

Araw-araw na mabubusog sa saya ang viewers tuwing tanghali sa back-to-back na pagpapalabas ng Lunch Out Loud at It’s Showtime sa A2Z, Kapamilya Channel at TV5.

Simula Hulyo 16 (Sabado), magsisimula na ang pinakabagong noontime experience dahil masusubaybayan ang Lunch out Loud simula 11 a.m. hanggang 12:45 p.m. at susundan ng It’s Showtime, 12:45 hanggang 3 p.m.

Mae-enjoy ng tropang LOL ang iba’t ibang mga laro tulad ng kakaibang dating game para sa mga dating magkasintahan na “H.O.P.E,” ang showbiz quiz na “Maritest,” ang pagalingan ng hosts sa pagsagot sa “Beat The 2,” limpak-limpak na papremyo sa “Pera Usog” at pagtupad ng mga hiling sa “Sagot Mo, Sagot Ko.”

Patuloy namang maghahatid ng saya at magiging tulay ng pag-asa sa Madlang Pipol ang It’s Showtime.

Sa loob ng 13 taon, sinubaybayan at ipinagmalaki ng mga manonood ang husay at talento ng mga Pilipino sa “Tawag ng Tanghalan.”

Nagbibigay din ito ng inspirasyon at kasiyahan sa pamamagitan ng mga kwento ng contestants sa iba’t ibang segments tulad ng “Sexy Babe,” “ReINA ng Tahanan,” “Miss Q and A,” “MiniMe,” atbp.

Ang masayang samahan at kulitan ng hosts ay patuloy ding mararamdaman sa kanilang tuluy-tuloy na paglilingkod sa lahat ng ating Kapamilya, Ka-A2Z at Kapatid.

Dahil sa kolaborasyon ng ABS-CBN Entertainment, Brightlight Productions, Zoe Broadcasting Network at TV5, mas maraming Pilipino pa ang maaabot ng mga de-kalidad na programa tuwing tanghali.

AUTHOR PROFILE