Joberry

Jo Berry, bida-kontrabida sa ‘Daig Kayo ng Lola Ko’

July 11, 2022 Ian F. Fariñas 478 views

Kapana-panabik ang bagong papel na gagampanan ni Jo Berry na bibida sa anniversary special ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Magbabalik-eksena si Jo bilang si Rumpelstiltskin, ang magsisilbing utak ng tatlong villain na makikilala ni Princess (Lime Aranya) sa month-long anniversary special ng programa.

Ibinahagi ni Jo na hindi siya nahirapan sa kanyang role, “Hindi siya hardcore na kontrabida, parang pa-cute lang. Ipapakita lang na bossy siya, na iritable siya, pero hindi talaga siya yung nang-aapi totally so hindi naman po ako nahirapan.”

Feeling blessed din siya sa role na binigay sa kanya.

Aniya, “Thankful ako kasi ’yung mga opportunity na binibigay sa akin ng GMA ay tuluy-tuloy at laging ’yung mga roles ko ay kapupulutan ng aral, which is kung ano naman po ’yung gusto ko.”

’Wag palampasin ang mahiwagang anniversary special ng Daig Kayo ng Lola Ko: Bida Kontrabida, Linggo, 7 p.m., sa GMA Network.

AUTHOR PROFILE