K7

Rose Van at Marco, bigay-todo sa masturbation scene

July 11, 2022 Vinia Vivar 2890 views

Bigay-todo sina Marco Gallo at Rose Van Ginkel sa kanilang love scenes sa pelikulang Kitty K7.

Napanood namin ang nasabing pelikula sa ginanap na private screening kamakailan.

Tulad ng inaasahan, sandamakmak ang sexy scenes sa pelikula, lalo na nga si Rose na hindi lang si Marco ang naka-love scene.

Bukod sa matitinding love scenes ay may eksena pang nagma-masturbate sina Marco at Rose Van habang magka-video call.

Ayon kay Rose, ang masturbation scene ang isa sa pinakamahirap na eksena sa kanya kung saan ay gumamit pa siya ng kutsara.

Isa pang nahirapan daw siya ay sa iba’t ibang Asian position na ginawa nila ng leading man.

But for Marco, ang mas mahirap para sa kanya ang panoorin ang movie nang gabing ‘yun.

“I think, the hardest part was watching it. I think, to be honest. Yeah, I think, honestly, it was really harder for me to watch it rather than doing it because when you’re doing it and you’re thinking that it’s work, aside from the moment, you know, you try to put your emotions din but, yeah,” sey ni Marco.

Dahil sa tindi ng intimate scenes nila ay kinailangan pang mag-workshop nina Rose at Marco para magawa ang mga eksena at mawala ang kanilang inhibitions.

“A lot of workshops. We did five or six sessions and previously din we knew each other,” ani Marco.

Ang Kitty K7 ay tungkol sa buhay ng isang cam girl na ginagampanan ni Rose.

Base ito sa tunay na buhay ni Salome, isang camgirl na naroroon din sa private screening.

Sobrang satisfied naman ang magdyowang producer na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone sa resulta ng pelikula magmula sa pagkakadirehe ni Direk Joy hanggang sa acting ng mga artista pati na rin sa pagkalalahad ng kwento.

Ayon kay Direk Dan ay ipinaglalaban nila sa pelikula ang karapatan ng mga sex worker at dapat daw ay i-legalize ang sex work tulad din sa ibang bansa partikular na sa Amsterdam.

Kasalukuyan nang napanood ang Kitty K7 sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE