Bola bola

Iba’t ibang kwento ng pag-ibig sa EP ng ‘Bola Bola’

March 26, 2022 Ian F. Fariñas 708 views

Sagot nina Gelo, Akira, JL, Mikki at Nateng BGYO at KD Estrada ang mga bagong kanta tungkol sa pagmamahal at pagtatantong nagmamahal siya sa original soundtrack ng iWantTFC series na Bola Bola na mapapakinggan ngayong araw sa iba’t ibang streaming platforms.

Bida sa kantang Mahal Na Kita, na isinulat at kinanta ni Akira, ang mensahe na mas minamahal ng isang tao ang kabutihan ng isang tao kesa sa panlabas na itsura.

Bukod sa solo rendition ni Akira sa kantang ito, may bersyon din siya kasama ang kapwa niya miyembro ng BGYO.

Tungkol naman sa pagkumpirma at pagtanto sa sarili na nagmamahal siya ang kantang Mahal Ba Kita?, na isinulat at kinanta ni KD na bida rin sa serye bilang si Julian.

Panigurado rin na makaka-relate rito ang mga taong hirap na magsabi ng kanilang nararamdaman sa kanilang crush o iniibig.

Ang original soundtrack ng Bola Bola ay iprinoduce ni Jonathan Manalo at ng Star Music.

Samantala, mapapanood na ang Bola Bola ngayong Marso 26 (Sabado). Ito ay tungkol sa kwento ni Thea, isang 220-pound na babaing makakaranas ng sakit at saya ng unang pag-ibig.

Hindi magiging madali ang kanyang lalakbayin dahil daraan pa siya sa proseso ng pagmamahal at pagbibigay-halaga sa sarili. Mas magiging mahirap pa ito sa pagpasok nina Lucas, Julian at Josh (Ashton Salvador) sa kanyang buhay.

Pakinggan ang EP ng Bola Bola sa iba’t ibang digital music platforms.

AUTHOR PROFILE