daveara

Mister ni Ara, nagbigay-pugay sa mga kababaihan

March 26, 2022 Ian F. Fariñas 424 views

Nagbigay-pugay si Dave Almarinez, mister ni Ara Mina, sa mga kababaihan ngayong International Women’s Month.

Sa isang pagtitipon nitong nakaraang linggo sa San Pedro, Laguna, hinandugan ng proud San Pedro boy ng mga bulaklak ang mga kababaihan doon.

Masaya ring nakipagkulitan sa laro ang cool na cool na future congressman ng San Pedro.

Kinantahan, binigyan ng flowers at nakipag-selfie pa si Dave sa lahat ng mga dumalo sa pagtitipon.

Kasabay n’yan ang paglalatag niya ng kanyang mga proyekto at plano para sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagprotekta sa karapatan ng kanyang mga BEBE sa San Pedro City.

Kaya naman proud na proud si Ara sa asawa dahil alam niyang marespeto ito at magalang sa mga kababaihan.

Ayon sa kanya, “Kaya nga nahulog ang loob ko riyan kahit, ’di ba, sinabi ko nu’ng una na hindi ko siya crush, dahil sa kanyang pagiging marespeto sa mga babae.”

AUTHOR PROFILE