Guest

Hunky actor na nagkalat ang sexy pictures, binan ng management sa wholesome shows

September 20, 2023 Jun Nardo 259 views

NILILIMITAHAN muna pala ang exposure sa wholesome shows ng isang hunky actor ng kanyang management team. Minimal na rin ang mga eksenang present siya.

Ayon sa aming source, minasama ng kanyang team ang paglabas dati ng hunk actor sa sexy films.

Dahil sa ginawa niya, kumalat ang ilan niyang sexy pictures sa malalaswang eksenang ginawa.

Eh, that time na lumabas siyang sexy, hindi pa siya artist ng malaking talent management.

MARIAN, SUNUD-SUNOD ANG PRODUCT ENDORSEMENTS

SUNUD-SUNOD ang pagkuha kay Marian Rivera bilang endorser ng mga brand basta’t swak din lang sa taste ng reyna.

Eh, nitong nakaraang mga araw, isang malaking pharma company ang kumuha kay Marian bilang endorser.

May kinalaman sa produkto para sa mga inuubo at sipon ang produkto na isa sa priorities ni Yan lalo na’t may mga bata pa siyang anak.

This time, isa namang brand ng home fixtures and furnitures ang kumuha kay Marian bilang unang ambasasador nila, ang Lines and Striples Philippinnes!

Ipinakita na ng management team ni Yan na @allaccessartists.ph ang poster ng brand na swak na swak sa butihing ina image ni Marian.

Balita namin, may nakalinya pang brand na gustong kumuha kay Marian bilang amabassador, huh!

Bongga!

AUTHOR PROFILE