Angelica

Pagbati ni Angelica sa 1st b-day ni Baby Bean: Isang taon na ’kong baliw sa ’yo

September 20, 2023 Vinia Vivar 223 views

Isang taon na ang cute baby ni Angelica Panganiban at ng partner niyang si Gregg Homan na si Bean o Amila Sabine kahapon, Sept. 20.

Sa Instagram ay emosyonal na binalikan ng aktres ang araw na ipinanganak niya ang pinakamamahal na anak.

“Punong puno ng takot ang buong pagka tao ko ng ganitong oras last year,” simula ni Angelica.

“Marahil dahil sa dami ng mga hindi ko alam gawin. Sa lahat ng duda. At nang sa hindi ko na mapigilan ang grand entrance mo.

“Pero sa kabila ng lahat ng kaba, ikaw ang nag gabay sakin kung pano maging isang ina,” patuloy niya.

“Hindi perpekto, pero sapat. Yun naman ang mahalaga,” she said.

Kasunod nito ay nagpasalamat si Angelica kay Baby Bean sa aniya’y happiest chapter ng kanyang buhay.

“Salamat salamat salamat ng paulit ulit sa pinakamasayang chapter ng buhay ko.

“Happy birthday love. Isang taon na kong baliw sayo. Ilang taon pa kaya tayo magiging baliw sa isat isa?

“Mahal na mahal kita ng wagas,” ang birthday message ni Angelica sa anak.

As we write ay wala pang balita kung may bonggang 1st birthday party si Baby Bean but of course, sigurado namang meron.

AUTHOR PROFILE