Jed Mga larawan mula sa FB/Jed Madela

Jed Madela ginawang ‘section’ ang pangalan

September 20, 2023 People's Tonight 314 views

VIRAL ngayon sa social media ang pangalan ng section ng isang eskwelahan sa Cotabato dahil ang section ng kanilang grade one ipinangalan hindi sa bayani, bulaklak, o sikat na scientist, kundi sa singer-songwriter na si Jed Madela.

Sa isang Facebook post nitong Martes, Setyembre 19 na ibinahagi ng “Forevermore” singer, feeling honored daw siya na mabigyan ng pagkilala sa ganitong paraan.

“In times when I feel so unimportant and ignored in one corner, my Lord picks me up and gives me the tightest hug,” pahayag ni Jed sa caption ng kanyang post.

“I am so honored. Woke up to these photos sent my my friend Manduyog Rashid,” dagdag pa ng singer-songwriter.

Galing sa Albert Einstein School sa Cotabato City, Maguindanao ang pangalan ng section.

Ani Jed, masayang-masaya siya at nais niyang makabisita sa nasabing paaralan.

“This is from Albert Einstein School in Cotabato where they named Grade One under me! I’m so happy!!! Sending my my love and thanks to Sir Edison, the faculty and the students! Hope to visit you in the future!!!” wika ni Jed.

Kinaaliwan naman ng netizens ang ideyang pagpapangalan ng section sa singer-songwriter. Sa comment section nga ay inulan ng samu’t saring komento ng mga pangalan ng iba’t ibang personalities na ginawa ring section ang pangalan.

AUTHOR PROFILE