Vice Mga larawan mula sa IG/@nadine at @praybeytbenjamin

Vice Ganda pinagkamalang endorser ng katol si Nadine

September 20, 2023 People's Tonight 188 views

KINAGILIWAN ng netizens ang naging komento na “katol endorser” ng Box-office Superstar na si Vice Ganda sa post ng Multimedia Princess at award-winning actress na si Nadine Lustre.

Sa kanyang Instagram page nitong Martes, Setyembre 19, nagbahagi si Nadine ng isang larawan kung saan makikita ang dalawang tao na magkahawak-kamay habang nakahiga sa isang malawak na grassland.

Makikita rin sa nasabing larawan ang isang spiral loop dahilan para mapa-comment ang Unkabogable Star sa post ng FAMAS best actress.

“Wow parang may ine-endorse kang katol soon! Chozzzz! Love you!” hirit ni Vice kay Nadine.

Agad naman na nag-top comment ang sinabi ng “It’s Showtime” host at pumatok sa netizens ang kanyang biro.

Samantala, nag-iwan naman si Nadine ng simpleng caption sa mismong post.

“From this life in to the next We’re all just tryna make it through,” saad ng award-winning actress.

AUTHOR PROFILE