HERLENE Larawan mula sa X/@herlene_budol

Herlene nagsalita sa ‘kainan’ issue

December 23, 2023 People's Tonight 240 views

HINDI na nakapagtimpi pa ang aktres at komedyante na si Herlene “Hipon” Budol matapos itong ulanin ng batikos mula sa netizens.

Nadawit kasi si Herlene sa isyung “kainan” at “kabit” sa kapwa nito star na si Rob Gomez.

Sa kanyang X post, inilabas ng komedyante ang kanyang hinanakit sa nasabing isyu.

Aniya, “Yung tahimik lang ako at kaliwa’t kanan babad ako sa taping. Yung d ako maka focus sa trabaho dahil sa issue ng mag jowa na may anak. Tapos malalaman ko nakaladkad na lang pangalan ko at binabash ako na wala naman akong ginagawa.”

“Opo, Squammy man ako sa paningin nyo. indi ako hayok sa laman. Produkto ako ng broken family. Pinalaki ako ng lolo at lola ko ng maayos,” dagdag pa ni Herlene.

Ispluk pa ng “Magandang Dilag” star nakatanggap na umano siya ng dalawang indecent proposal pero tinanggihan niya ito.

“Yung batuhan ng mga script para pang kabisado sa mga linyahan ay nahaluan ng mga joke at one liner tulad ng salitang “Kain” ganyan na agad ang tingin nyo sa akin. Sumakay lang ako sa mga joke dahil Komedyante ako kahit alam ko finiflirt ako,” sey pa niya.

“Pero hindi ako ganung babae sa mga binabatikos sa akin. FYI naka dalawang National pageant na ako marami nag propose ng indecent proposal sa akin ng malaking halaga. Pero iniisip ko nasa maayos naman karera ko at gusto ko pinaghihirapan hindi yung one tym big tym,” saad pa ni Herlene.

Samantala, ready namang kasuhan ng former beauty queen ang naglabas ng nasabing convo nila ni Rob na sumisira umano sa kanyang pagkatao at karera.

Aniya, “Besides, kung sino man nag labas na screenshot na yan ay pwede kong kasuhan ng Data privacy, defamation at cyber libel.”

AUTHOR PROFILE