Default Thumbnail

Helper dedo sa pananambang sa Binondo

November 15, 2022 Jonjon Reyes 253 views

NAGTAMO ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan at ulo ang isang 35-anyos na helper habang nasa kasarapan ng inuman, Lunes ng gabi sa Parola Compound, sakop ng Binondo, Maynila.

Ang biktima ay binata at residente ng Gate 13 Area B. sa Parola Compound.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ni Det. John Paul Rojo, may hawak ng kaso, sa pagkakakilanlan sa gunman na armado ng baril ang agad na tumakas matapos ang ginawang pamamaril sa biktima.

Batay sa ulat na isinumite kay P/Lt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 10:00 ng gabi, nang pagbabarilin ang biktima habang nakikipag-inuman ito sa kanyang mga kasamahan sa loob ng isang bahay sa Parola Compound sa Binondo.

Agad naman nagtungo sa Delpan Police Station ang isang barangay tanod ng Bgy. 275, kasama ang dalawang kainuman ng biktima para ireport ang insidente.

AUTHOR PROFILE