Default Thumbnail

Kelot na wanted sa droga tiklo sa SACLEO

November 15, 2022 Jonjon Reyes 341 views

DAHIL sa patuloy na pinaiiral at pinaigting pang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO), naaresto sa bisa ng warrant of arrest ang isang 28-anyos na binata dahil sa kaso ng ilegal na droga sa Sta. Ana, Maynila, Lunes ng hapon.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Andre P. Dizon, ang suspek ay pawang residente ng Bgy. 770 Zone 84 sa Sta. Ana.

Ayon kay P/Maj. Rommel Reyes Purisima, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ng MPD, pasado alas 2:30 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa drog sa labas ng isang bahay sa lugar.

Bago ang pag-aresto, nakipag-ugnayan ang mga operatiba ni Purisima sa pangunguna ni PEMS. Dedimo Alviar, kay P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., commander ng MPD Sta. Ana Police Station 6, para isilbi ang mandamiento de aresto sa lugar na kanilang kinasasakupan.

Ang arrest warrant ay inisyu ni , Presiding Judge Paulino Quitoras Gallegos ng Regional Trial Court Branch 47 ng Maynila na may petsang Hulyo 14, 2022, dahil sa kasong paglabag sa Section 11 (3) Article ll ng Republic Act 9165 with service of sentence.

Pinuri at pinasalamatan naman ng MPD director si Purisima at ang mga tauhan nito sa kanilang mabilis na aksyon sa tinaguriang “most wanted” sa station level at ang programa ni NCRPO Chief Jonnel Estomo ang “Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions” o SAFE.

AUTHOR PROFILE