Helicopter Source: Andrew Bayhon Bernaldez- Ruaya Lacar- FB

Helicopter nag-emergency landing dahil sa saranggola

March 8, 2024 Zaida I. Delos Reyes 74 views

ISANG private helicopter ang nag-emergency landing matapos sumabit sa nylon cord ng isang saranggola nitong Huwebes sa Sta Lucia, Trinidad, Guindulman, Bohol.

Batay sa inisyal na ulat ng PNP, naganap ang insidente dakong 11:30 a.m. sa nasabing lugar.

Patungo sana ang helicopter na pag-aari ng M. Lhuillier pawnshop sa Siargao nang maganap ang insidente.

Habang nasa himpapawid ay napansin ng piloto na hindi normal ang pag-ikot at paglipad ng helicopter kaya’t nagdesisyon itong mag-emergency landing.

Napag-alaman na nasa 2,000 talampakan na ang taas ng lipad ng helicopter nang masabit sa nylon cord ng saranggola ang likurang bahagi nito.

Walang naiulat na nasaktan o nasugatan sa insidente.

Nang matanggal ang nylon cord sa helicopter ay muli itong lumipad patungo sa kanyang destinasyon.