Bus Source: Isabela FB

Bus nahulog sa bangin, 1 patay

March 8, 2024 Zaida I. Delos Reyes 96 views

PATAY ANG isang rider habang 11 pasahero ang nasugatan matapos mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus Huwebes ng gabi sa kahabaan ng San Juan highway, Ilagan City, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Roland Basog, residente ng Sta. Catalina, sa nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng Ilagan City PNP, naganap ang aksidente dakong 9 p.m. sa national highway.

Mabilis umano ang takbo ng Victory Liber bus na may body number 7252 sa highway nang mabundol nito ang isang motorsiklo bago mahulog sa bangin.

Patungo ang bus sa Manila habang binabaybay naman ng motorsiklo ang kasalungat na direksyon ng highway .

Dead on the spot ang rider habang tumakas naman ang driver ng bus na nakilalang si Lounie Andoy na tubong Tuguegarao City.